Mga isyu sa mga money lender o Money Lender Issues

What do you need to know?

Ang money lending ay ang pagpapahiram ng pera na may kasamang interes, mayroon man o wala itong deposito (tulad ng security deposit). Sa Malaysia, ang mga nagpapautang ng pera ay nireregulate sa ilalim ng Moneylenders Act 1951.

Paano malalaman kung ilegal ang money lender?

Mayroong website ang Malaysian Government kung saan maaari mong suriin kung mayroong lisensya ang money lender: i-KrediKom.

Bukod dito, sa ilalim ng Regulation 8 ng Moneylenders (Control and Licensing) Regulations 2003, ang lahat ng lisensyadong money lender ay dapat may nakalagay na:

  • ang license number at date of confirmation;
  • ang bilang ng advertising permits;
  • ang pangalan, address at telepono ng money lender; at
  • ang interest rate na inaalok.

Krimen ang magpatakbo ng money lending business nang walang lisensya. Sa ilalim ng Moneylenders Act 1951, krimen ang magpatuloy ng isang negosyo ng money lending nang walang  valid license, at ang sinumang matatagpuang lumabag ay maaaring parusahan ng multa o makulong hanggang sa 5 taon o whipping (pagpalo). Dapat din malinaw na ipinapakita ng mga moneylenders ang kanilang orihinal na lisensya sa kanilang opisina. Kung hindi, maaaring pagmultahin sila o makulong ng hanggang 5 taon (o pareho).

Kung nasa opisina ka ng money lender at hindi ka sigurado kung lisensyado sila o ilegal, maaari mong subukan na hanapin ang lisensya o puwede kang magtanong sa money lender para kumpirmahin kung sila ay lisensyado.

Photo by Jason Leung on Unsplash

Mayroong website ang Malaysian Government kung saan maaari mong suriin kung mayroong lisensya ang money lender: i-KrediKom.

Bukod dito, sa ilalim ng Regulation 8 ng Moneylenders (Control and Licensing) Regulations 2003, ang lahat ng lisensyadong money lender ay dapat may nakalagay na:

  • ang license number at date of confirmation;
  • ang bilang ng advertising permits;
  • ang pangalan, address at telepono ng money lender; at
  • ang interest rate na inaalok.

Krimen ang magpatakbo ng money lending business nang walang lisensya. Sa ilalim ng Moneylenders Act 1951, krimen ang magpatuloy ng isang negosyo ng money lending nang walang  valid license, at ang sinumang matatagpuang lumabag ay maaaring parusahan ng multa o makulong hanggang sa 5 taon o whipping (pagpalo). Dapat din malinaw na ipinapakita ng mga moneylenders ang kanilang orihinal na lisensya sa kanilang opisina. Kung hindi, maaaring pagmultahin sila o makulong ng hanggang 5 taon (o pareho).

Kung nasa opisina ka ng money lender at hindi ka sigurado kung lisensyado sila o ilegal, maaari mong subukan na hanapin ang lisensya o puwede kang magtanong sa money lender para kumpirmahin kung sila ay lisensyado.

Ano ang dapat kong gawin kung sa tingin ko ako ay nakipag usap sa isang ilegal/ unlicensed money lender?

Kung sa tingin mo ay ikaw ay nakipagtransaksyon sa ilegal/ unlicensed money lender, maaari mong ireport ang money lender sa pulis.

Para sa migrant domestic workers (MDW), may peligro ang paggamit ng ilegal o hindi lisensyadong money lender, kahit pa ito ay nangako ng madaliang pag-apruba ng loan at malaking halaga ng pera. Maaaring subukang itago ng money lender ang iyong passport o mga personal na dokumento – tulad ng iyong visa, passport o identity card. Maaari rin nilang gamitin ang banta o karahasan laban sa iyo kung hindi mo kayang bayaran ang halagang inutang.

Ano ang dapat kong gawin kapag kukuha ng loan mula sa isang money lender?

Ang unang hakbang ay suriin kung lisensyado ang money lender na iyong kinakausap. Pagkatapos, dapat siguraduhin na nauunawaan mo ang money lending agreement.

May dalawang uri ng money lending agreement: unsecured lending agreement at secured lending agreement.

Ang unsecured lending ay karaniwang maikli ang loan (halimbawa, ang loan ay mabilis na babayaran) at karaniwan itong ibinibigay sa mga taong may regular na trabaho at kita. Sa ganitong uri ng loan, hindi kailangang magbigay ng deposito (security deposit) ang borrower kapalit ng loan. Karaniwan ding mas mataas ang interest rate sa loan na ito.

Ang secured lending ay ibinibigay kapag mayroon nang ibinigay na security (deposito) ang nangungutang sa money lender – tulad ng isang mahalagang bagay (hal: lupa, kotse, ginto). Karaniwan, mas mahaba ang term ng loan sa uri na ito (halimbawa, ang loan ay babayaran sa mas mahabang panahon).

Sa ilalim ng seksyon 17A ng Moneylenders Act 1951, ang maximum na interest na maaaring singilin ng isang money lender ay 12% kada taon para sa secured loans at 18% kada taon para sa unsecured loans.

Minsan, sa halip na lumapit sa isang money lender para sa loan, posible na lumapit na lamang sa iyong kaibigan, o mag-alok ang kaibigan na papautangin ka. Ito ay kilala bilang ‘friendly loan’ at karaniwan itong nangyayari sa pagitan ng mga kaibigan, miyembro ng pamilya o kamag-anak. Ang friendly loan ay informal, at maaaring hindi naka-documento ang kasunduan.

Legal ang loan mula sa mga kaibigan o ‘friendly loan’. Ibig sabihin nito, maaari kang humiram ng pera mula sa isang kaibigan o kamag-anak, at pinapayagan din ang iyong kaibigan/kamag-anak na hingan ka ng bayad sa loan at singilin ka ng interes sa loan.

Dahil legal ang friendly loan, itinuturing ng batas sa Malaysia ang loan bilang isang valid contract sa pagitan ng nangutang at ng kanilang kaibigan/kamag-anak.

Isang problema na maaaring lumitaw ay kapag isang tao ay nagpapautang ng pera sa maraming tao at nagpapatong ng napakataas na interest rate. Sa madaling salita, ito ay kapag pinapalabas na nagbibigay ng ‘friendly loans’ ang isang tao pero sa katunayan ay kumikilos sila bilang isang money lending business.

Nirerequire ng Moneylenders Act 1951 na ang mga negosyo at mga tao na nagpapautang nakarehistro sa ilalim ng batas. Itinuturing na hindi lisensyado ang money lender at tinatawag silang ‘loan shark’ kapag sila ay walang registration. Dahil dito, mahalaga na mag-ingat kapag nakikipag-usap ka sa isang taong nagpapakilalang nagbibigay ng ‘friendly loan’. Kung ang taong ito ay kumikilos tulad ng isang isang negosyo, unang i-check kung rehistrado at may lisensya bago pumayag sa loan.

Kung pumayag ka sa friendly loan ng isang taong hindi lisensyado, posible na ituring na hindi valid ang kasunduan sa Malaysian court. Gayunpaman, posible rin na ang korte ay magpasiya na kinakailangan mo pa ring bayaran ang  loan. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon, mas mabuti na kumuha ng tulong legal mula sa abogado o NGO.

Maging malinaw kung kailan mo gustong bayaran ng iyong kaibigan/kamag-anak ang utang. Siguraduhing pareho kayong nauunawaan ang deadline para sa bayad. Kung magbabayad ng installment ang kaibigan o kamag-anak mo, dapat malinaw kung kailan dapat bayaran ang mga installment.Ano ang dapat kong gawin kung nais ng kaibigan ko na umutang ng pera?

  1. Gumawa ng kasulatan o written document para sa friendly loan. Maaaring mahirap gawin ito dahil kaibigan o kamag-anak mo ang nagtatanong, ngunit para sa iyong proteksyon, mabuting isulat ang mga terms ng loan agreement, kasama na ang halaga ng perang ibinigay, kung magkano ang interes, at kung paano babayaran ng kaibigan/kamag-anak mo ang utang.
  2. Huwag magpapatong ng napakataas na interes sa iyong kaibigan/kamag-anak. Ang interes na singilin mo ay dapat na makatarungan.
  3. Maging malinaw kung kailan mo gustong bayaran ng iyong kaibigan/kamag-anak ang utang. Siguraduhing pareho kayong nauunawaan ang deadline para sa bayad. Kung magbabayad ng installment ang kaibigan o kamag-anak mo, dapat malinaw kung kailan dapat bayaran ang mga installment.
  • Tumawag sa pulis (999) o sa isang NGO kung ikaw ay tinatakot ng money lender
  • Kung makakatagpo ka ng isang hindi lisensyadong money lender, maaari mong ireport sila sa pulis.
  • Maaari kang magsampa ng  isang civil case sa korte para sa compensation (pera) mula sa money lender kung sila ay nagdulot sa iyo ng loss o pagkawala. Kumuha ng tulong legal mula sa abogado o NGO bago gawin ito.
  • Huwag ibigay ang personal na contact details ng iyong employer kapag kumuha ng loan. Karaniwan sa mga hindi lisensyadong nagpapautang ang tumawag at mang-harass sa mga employer ng MDW para bayaran ang kanilang utang.

Resources: