Pinapayagan ba ang mga employer na itago ang passport ng MDW?
Sa Malaysia, labag sa seksyon 12(1)(f) ng Passports Act 1966 ang pagkuha ng mga employer ng mga passport ng kanilang migrant domestic workers (‘MDW’). Isa sa mga iilang sitwasyon kung saan pinapayagan ang employer na itago ang passport ng MDW ay kapag inirerenew nila ang visa ng kanilang MDW. Gayunpaman, sa pangkalahatan, dapat laging may access ang MDW sa kanyang passport.
Maraming dahilan kung bakit maaaring gusto ng employer na itago ang passport ng kanilang MDW. May ilan na naniniwala na lalayas ang kanilang MDW kung may passport ito. May mga employer na nais itabi ang passport ng kanilang MDW para ito ay ingatan, upang tiyakin na ito ay hindi mawawala o masisira.
Mahalaga na hawak ng MDW ang kanyang passport upang siya ay malayang makaalis nang walang anumang hadlang. Ang passport ay isang uri ng identipikasyon, kaya kung walang access ang MDW sa kanyang passport, maaaring mahirapan siyang patunayan ang kanyang pagkakakilanlan. Halimbawa, kung ang isang MDW ay nalagay sa isang mapanganib na sitwasyon sa trabaho, mahalagang may access siya sa kanyang passport upang siya ay agad na makaalis sa employer at humingi ng tulong. Ang passport ang magbibigay sa kanya ng paraan upang makalabas ng Malaysia at makabalik sa kaniyang bansang pinanggalingan.
Ano ang lisensyadong employment agency?
Ang Department of Labor (JTKSM) ang responsable sa pagbibigay ng lisensya sa mga employment agencies na nagre-recruit ng mga MDW upang magtrabaho sa Malaysia. Nagbibigay ang Department of Labor ng listahan ng lahat ng mga lisensyadong private employment agencies. Bago makipag-transaksyon sa isang ahensya ng trabaho, unahing suriin kung lisensyado ito at legal ang kanilang operasyon.
Sa ilalim ng seksyon 7 ng Private Employment Agencies Act 1981 (No. 246), labag sa batas ang anumang pag recruit ng walang lisensya. Ang isang employment agency na walang lisensiya ay maaaring pagmultahin ng hanggang RM200,000 o makulong ng hanggang tatlong taon o pareho.
Magkano ang pwedeng singilin ng isang employment agency para sa kanilang mga serbisyo?
Sa Malaysia, nire-regulate ng Private Employment Agencies Act ang mga recruitment agency at ang mga bayad na sinisingil nila. Sa ilalim ng batas na ito, hindi pwedeng singilin ng agency ng bayad na higit sa isang buwang nakatakdang sahod ng manggagawa. (one month of basic wage)
Para sa MDW mula sa Pilipinas at mula sa iba pang mga bansa na walang kasalukuyang government-to-government memorandum of understanding sa Federal Government of Malaysia, ang pinakamataas na recruitment fee na pwedeng singilin lamang ay hindi dapat higit sa isang buwang nakatakdang sahod ng MDW.
Maaari bang tulungan ako ng mga employment agency kung may alitan ako sa aking employer?
Posibleng magkaroon ng dispute o isyu ang isang MDW sa kanilang employer. Karaniwan, hinihingi ng MDW at ng employer na ayusin ng employment agency ang mga alitan na ito. Sa isang banda, maaaring mamagitan ang mga employment agency sa isyu ng MDW at ng kanilang employer at magsilbing isang neutral o walang kinikilingan na partido, pero mahirap tiyakin kung sila ay may partikular na kakampihan o bias. Kung mayroon kang alitan o problema sa iyong employer, maaaring maunang makipag-ugnayan sa isang abogado o NGO para tulungan ka sa pakikipag-usap sa agency, dahil mahalaga na maprotektahan mo ang iyong sarili at maintindihan mo ang iyong mga karapatan.
Mga makatutulong na payo:
- I-document ang anumang insidente ng overcharging na iyong nararanasan. Maaari mong i-report ang paglabag sa Department of Labor, kahit na nasa Peninsular Malaysia, Sabah, o Sarawak ka.
- Huwag magbayad ng pera sa isang ahensya kung hindi mo naiintindihan kung para saan ang bayad na iyon.