Physical Violence and Sexual Assault

What do you need to know?

Ang pang-aabuso at pangha-harass ay maaaring mangyari sa trabaho. Hindi laging pisikal ang pang-aabuso at pangha-harass – maaari rin ito mangyari bilang verbal abuse.

Sa Malaysia, walang krimen o batas laban sa harassment, ngunit tinutukoy ng Department of Safety and Health na ang pang-aabuso sa trabaho ay ang mga pangyayaring kung saan ang empleyado ay inaabuso, bina-bantaan, sinasaktan, o inilalagay sa delikadong sitwasyon na kaugnayan sa kanilang trabaho.

Ang human trafficking ay ang pagmanipula (pagloko), pag-kontrol, at sapilitan na papagawa ng mga bagay na laban sa kagustuhan ng isang tao. Kung ang isang tao ay “na-traffick,” karaniwan itong ine-exploit (hal: sekswal, pisikal) upang mapakinabangan ng iba. Karaniwan ding kasama sa human trafficking ang paglipat, pagbili, at pagbebenta ng mga tao. Madalas na gumagamit ang mga trafficker ng karahasan o banta ng karahasan laban sa mga biktima o sa pamilya ng mga biktima. Ang human trafficking mismo ay maaaring maging simula ng ibang krimen na may kasamang karahasan.

Kung sa tingin mo ay na-traffick ka papuntang Malaysia, maaari kang humingi ng tulong sa pulisya. Mag-iimbestiga ang pulisya at kung matuklasang biktima ka ng human trafficking, maaaring tulungan ka ng pulisya na tumira muna sa isang tirahang pinapatakbo ng gobyerno. Ang shelter ay maaaring magbigay sa iyo ng pagkain, pangangalagang medikal, mga social activities, mga probisyon sa relihiyon, seguridad, at buwanang allowance. Kung may suspetsa kang na-traffick ka, makipag-ugnayan sa pulisya o sa mga NGO na nakalistahan sa ibaba para sa tulong.

Sa ilalim ng seksyon 351 ng Penal Code, isang krimen ang physical assault o pisikal na pag-aabuso sa ibang tao. Ang isang tao ay mahahatulang ng physical assault kung sila ay kumilos na may intensyon (kagustuhan) na takutin at ipadama sa biktima na masasaktan sila.

Sa ilalim ng batas, hindi maaaring abusuhin ang isang tao sa pamamagitan lamang ng mga salita. Ang assault ay maaari lamang mangyari kung ang isang tao ay kumilos patungo sa ibang tao, na may layunin (intensyon) na takutin ang ibang tao.

Samakatuwid:
☒ Ang mga banta tulad ng “Sasapakin kita” ay hindi itinuturing na assault.
☑ Ang pag-angat ng pamalo at pagsasabing “Sasapakin kita” ay maaaring ituring na assault, dahil ang pag-angat ng pamalo at pananakot gamit ang salita ay maaaring maging basehan ng assault.

Sa Malaysia, krimen ang sexual assault at panggagahasa. Ang panggagahasa ay itinuturing na “pakikipagtalik sa isang babae nang labag sa kanyang kagustuhan (wala ang kanyang pahintulot).” Ibig sabihin, ang panggagahasa ay isang krimen na maaaring gawin lamang laban sa mga babae.

Halimbawa, ang paggamit ng employer ng kanyang posisyon upang pwersahin ang kanyang MDW na makipagtalik sa kanya ay maaaring mahatulan ng panggagahasa.

Ang pinakamataas na parusa para sa sinumang matuklasang nanggahasa ay 20 taon sa bilangguan at caning (pamamalo).

Photo by Pixabay on Pexel

Sa ilalim ng seksyon 339 ng Penal Code, krimen ang ‘wrongful restraint’. Ang wrongful restraint ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang isang tao ay sinasadyang (may intensyon) pinipigilan ang isa pang tao na pumunta o dumaan sa isang lugar na legal na maaari nilang puntahan.
Ang wrongful restraint ay maaaring kasama ng karahasan o banta ng karahasan at maaaring gamiting paghahanda bago isagawa ang ibang krimen, tulad ng sekswal na pang-aabuso. Halimbawa, si A ay humarang sa daan sa labas ng bahay ni B dahil may intensyon siyang maggahasa.

May legal na karapatan si B na gamitin ang daan sa labas ng kanyang bahay. Ngunit sa pagharang kay B, maaaring nagkasala si A ng wrongful restraint laban kay B.
Kung ang isang tao ay matuklasang may sala sa wrongful restraint, ang pinakamataas na parusa na maaari nilang matanggap ay isang buwan sa bilangguan, o multa na hanggang RM1,000 (o pareho).

Sa ilalim ng seksyon 340 ng Penal Code, krimen ang ‘wrongful confinement. Ang wrongful confinement ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan isang tao ay pinipigilan ang ibang tao na lumabas mula sa isang lugar, kahit na may legal na karapatan ang taong iyon na lumabas.

Isang halimbawa ng wrongful confinement ay: Si Anthony ang employer ni Betty, isang MDW. Si Betty ay nagtatrabaho sa bahay ni Anthony at may araw ng pahinga tuwing Linggo. Kung ikakandado ni Anthony ang lahat ng pinto sa kanyang bahay mula sa labas at iiwanan si Betty na nakakulong loob ng araw ng Linggo, maaaring may sala si Anthony ng wrongful confinement laban kay Betty. Ang wrongful confinement ay maaaring kasama ng karahasan o banta ng karahasan o maaaring gamitin bilang paghahanda bago isagawa ang ibang krimen, tulad ng sexual assault.

Kung ang isang tao ay matuklasang may sala sa wrongful confinement, maaaring parusahan sila ng pinakamataas na sentensya na isang taon sa bilangguan, o multa na hanggang RM2,000 (o pareho).

  • Tumawag agad sa pulis (999) kung ikaw ay nasa panganib.
  • Pag-isipan ang pag file ng report sa pulis. Siguraduhing humingi ng kopya ng ulat sa pulis at suriing tama ang impormasyon sa ulat.
  • Humingi ng tulong at suporta sa lalong madaling panahon mula sa isang abogado o mga NGO (tingnan ang resources section).
  • Isipin ang pagsumite ng isang civil claim para managot ito at magbayad ng compensation (pera) para sa dinanas mo. Ipayo na humingi ng tulong sa isang abogado o NGO bago simulan ang legal na hakbang na ito.

Resources:

Embassy of the Philippines, Malaysia