Ayon sa Money Lenders Ordinance sa Hong Kong, mayroong takdang pinakamataas na interes na maaari lamang singilin ang mga money lenders. Iligal ang pagpapautang at ang paniningil ng mas mataas na interes kaysa sa itinatakda ng batas,at maaaring ipawalang-bisa ng korte ang kasunduan sa loan o ‘kanselahin’ ang loan agreement. May dalawang uri ng ilegal na interest rate: excessive at compound interest.
Ano ang an excessive interest rate?
Ang bawat kasunduan sa loan na ginawa pagkatapos ng 30 Disyembre 2022 ay hindi dapat maningil ng interes na hihigit sa 48% annually.
Ang Korte sa Hong Kong ay magpapalagay na ang interes ay sobra (napakataas) kung ang interest rate ay higit sa 36%. Gayunpaman, ang pinakamataas na interest rate na maaaring singilin ng isang nagpapautang ay 48%, kaya valid ang anumang loan na may interest rate na nasa pagitan ng 36-48%, ngunit ipagpapalagay ng korte na ang interes ay sobra sa ilalim ng section 25(3) ng Money Lenders Ordinance.
Ipapalagay ng Korte sa Hong Kong na ang rate ng interes o interest rate ay labis (napakataas) kung ito ay higit sa 36%. Gayunpaman, ang pinakamataas na rate ng interes na maaaring singilin ng isang nagpapahiram ng pera ay 48%, kaya ang anumang pautang na may rate ng interes sa pagitan ng 36-48% ay may bisa, ngunit ipagpapalagay ng korte na ang rate ng interes ay sobra sa ilalim ng section 25(3) ng Money Lenders Ordinance.
Ano ang compound interest?
Ang compound interest ay kapag may karagdagang interes na idinadagdag sa orihinal na interes. Halimbawa, si Annie ay pumasok sa isang loan agreement. Ang kasunduan ay nagsasaad na ang interest rate sa loan ay 30% bawat taon, at may karagdagang 20% na idinadagdag. Karaniwan, ang mga walang lisensyang money lender ang naniningil ng compound interest para sa unsecured loans. Gayunpaman, posible pa din na ang isang lisensyadong nagpapautang ay lumabag sa batas sa pamamagitan ng pag singil ng compound interest.
Sa ilalim ng Money Lenders Ordinance, ilegal ang compound interest. Kung ikaw ay mangungutang at at ang interes ay compound interest, maaari mong pag-isipan na gumawa ng ulat sa pulisya.

Anong mangyayari kapag ako ay umutang ng may illegal interest rates (excessive o compound)?
Kung ikaw ay nangutang at napagtanto na ang sinisingil na interes sa iyo ay masyadong mataas, sa ilalim ng Money Lenders Ordinance, ang loan ay itinuturing na ilegal. Ibig sabihin, kung mayroong dispute o hindi pagkakasundo sa pagitan mo at ng nagpapautang, ang korte ay hindi maaaring mag-utos sa alinmang partido na kumpletuhin ang kontrata. Sa halip, maaaring magdesisyon ang korte na ipawalang-bisa (o kanselahin) ang kasunduan.
Kung sa tingin mo na ang iyong kasunduan sa loan ay ilegal, maaari kang makipag-ugnayan sa Enrich Hong Kong, isang NGO na nakatuon sa pagtulong sa mga migranteng domestic worker (‘MDW‘) sa pag-ayos ng kanilang finances. Hanapin ang kanilang contact sa resources.
Mga makatutulong na payo
- Suriin kung lisensyado ang mga money lender bago ka mag-apply ng loan. Humingi ng patunay ng lisensya o tumingin sa listahang ito kung sa tingin mo ay hindi lisensyado ang nagpapautang. Kung hindi sila lisensyado, huwag sumang-ayon sa isang pautang.
- Basahin nang buo ang kasunduan sa loan. Kung kailangan mo ng tulong dito, makipag-ugnayan sa isang NGO o legal na tagapayo.
- Itago nang maayos ang loan agreement (itago nang ligtas ang papel at kumuha ng mga larawan ng buong kasunduan). Kung malaman mo sa kalaunan na ang interest rate ay ilegal, kinakailangan mong magpakita ng patunay nito sa pulisya.
- Kung kukuha ka ng loan, itago lahat ng papel na resibo ng iyong mga bayad at kuhanan ito ng mga larawan bilang patunay. Ito ay kung sakaling sabihin ng nagpapautang na hindi mo nabayaran ang loan.