Harassment mula sa Money Lender

What do you need to know?

Sa Singapore, ang harassment ay isang krimen na may maraming iba’t ibang elemento. Sa konteksto ng money lending, ang ilang mga nagpapautang (lisensyado man o hindi lisensyado) (kilala rin bilang “ah long”) ay maaaring mang-harass sa isang umutang.

 Sa Singapore, ang Protection Against Harassment Act (POHA) ay ang batas na maaaring gamitin ng isang nangutang para makakuha ng proteksyon sa pagkakataon na sila ay hina-harass ng isang money lender. Ang batas na ito ay sakop din ang mga migrant domestic workers (‘MDW’).

Ayon sa seksyon 3 ng batas na ito, sinumang tao na:

  1. nagbabanta;
  2. nang-aabuso; o
  3. nang-iinsulto

Sa pamamagitan ng mga salita, kilos, o iba pang komunikasyon, na may layuning magdulot ng harassment, takot o pangamba sa ibang tao ay nagkasala ng harassment.

Ayon sa seksyon 4 ng batas na ito, hindi kailangang malaman ng nangha-harass na ang kanilang mga aksyon ay maaaring nagdulot ng harassment, takot o pangamba sa biktima. Sapat na ipakita lamang ng biktima ang ebidensya ng distress o pagkabalisa na nakuha dulot ng mga aksyon ng nangha-harass.

Halimbawa: Nag-post si Angie sa Facebook na upang singilin si Ben na bayaran ang kanyang utang, at nagdulot ito ng emosyonal na distess kay Ben. Maaaring sapat na ito upang si Angie ay mapatunayang nagkasala ng harassment. Kung ang isang tao ay napatunayang nagkasala ng harassment, maaari silang pagmultahin o makulong (o pareho).

Isa ring krimen sa Singapore ang sadyang (gustohin) pagpapaniwala na ang ilegal na karahasan ay gagamitin laban sa kanila. Ang krimeng ito ay bahagyang naiiba sa harassment, dahil ang kinatatakutan biktima ay pisikal na karahasan. Para sa harassment, ang biktima ay kailangan lamang makaramdam ng takot, alarma o pagkabalisa.

Halimbawa: Nag-post si Angie sa Facebook ng pagbabanta kay Ben at nagbigay ng mga abusive comments na nagsasabi na hindi kayang bayaran ni Ben ang kanyang utang. Pagkatapos ay nag-post si Angie ng personal na impormasyon ni Ben (halimbawa, ang numero ng kanyang identity card), at nagbanta na bubugbugin si Ben kung hindi siya magbabayad. Sa sitwasyong ito maaaring mapatunayang nagkasala si Angie ng causing fear o provocation of violence.

Kung ang isang tao ay napatunayang nagkasala ng causing fear o provocation of violence, maaari silang pagmultahin o makulong, o pareho.

Sa ilalim ng section 7 ng Protection Against Harassment Act, isang krimen ang ilegal na pagmamanman (stalking) sa isang tao. Ang isang taong mapatunayang nagkasala ng stalking ay maaaring pagmultahin o makulong (o pareho).

Ang stalking ay nangyayari kapag :

  • gumagawa ng mga bagay (o hindi paggawa ng mga ito) na nauugnay sa stalking
  • nagdudulot ng harassment, takot o pag-aalala sa biktima at
  • may layunin ang stalker magdulot ng harassment, takot o pangamba sa biktima.

Ang stalking ay maaaring maglaman ng mga sumusunod:

  • Pagsunod sa isang tao
  • Paghintay o pagtambay nang malapit sa tahanan o negosyo ng isang tao
  • Pagbibigay ng mga regalo sa biktima kahit na hiniling ng biktima na tigilan ito ng stalker
  • Paglalagay ng kamera sa tahanan ng isang tao at pagmamanman sa biktima

Halimbawa: Kung ang isang nagpapautang ay sumusunod at nagmamanman sa  isang MDW habang siya ay nagtatrabaho, ito ay ituturing na stalking.

Sa ilalim ng Protection Against Harassment Act, isang krimen din ang mag-publish o mag-post ng personal na impormasyon ng isang tao. Ito rin ay kilala bilang “doxxing”. Ang taong nagpo-post ng impormasyong ito ay may layunin na mang-harass, mang-banta, o magdulot ng karahasan laban sa kanila. Kung ang isang tao ay mapatunayang nagkasala ng doxxing, ang pinakamataas na parusa ay multa o pagkakulong (o pareho).

Halimbawa, maaaring mag-post ang isang money lender sa Facebook ng personal na impormasyon ng isang nangutang, kasama na ang kanilang tahanan. Maaaring isulat ng nagpapautang na ang sinumang makahanap sa umutang ay makakatanggap ng gantimpala. Ito ay maaaring ituring na doxxing.

Sa ilalim ng batas, maaaring managot ang mga kumpanya at indibidwal sa harassment. Ibig sabihin, kung ikaw ay hina-harass ng isang empleyado mula sa isang negosyo (halimbawa, ang ahente ng isang money lender), ang negosyo ng nagpapautang ay maaaring managot sa harassment na ginawa ng kanilang ahente.

Sa ilalim ng Protection Against Harassment Act, maaari pa ring isampa sa Singapore ang kaso ng pangha-harass kung:

  1. Ang biktima ay nasa Singapore; at
  2. Alam ng nagha-harass, o nagkaroon ng dahilan upang maniwala siya na ang biktima ay nasa Singapore.

Isang halimbawa nito ay kapag nagpautang ang isang money lender ng pera sa isang MDW na nagtatrabaho sa Singapore. Kung ang nagpapautang ay nagsimulang mang-harass sa MDW sa pamamagitan ng pagpapadala ng hindi angkop na personal na impormasyon ng MDW sa kaniyang mga kababayan sa Pilipinas, maaaring ituring ito na pangha-harass at maaaring magsampa ng kaso ang MDW sa Singapore, kahit na ang pangha-harass ay ginawa sa labas ng Singapore.

If you are victim to harassment, action you may take includes:

  1. Pagsumite ng reklamo sa pulisya: kung makakita ang pulisya ng sapat na ebidensya ng pangha-harass, maaaring arestuhin ang nagha-harass at dalhin sa korte. Sa korte, kung mapatunayang may kasalanan ang nagha-harass, maaaring parusahan ito ng multa o pagkakulong (o pareho).
  2. Pagbubukas ng civil case para sa compensation: ito ay nangyayari kapag ang korte ang magpapasya kung dapat kang bayaran ng pera ng nagha-harass o nang gugulo bilang kabayaran sa mga pinagdaanan mo.

Posibleng makatanggap ng compensation ang mga kamag-anak ng mga biktima. Karaniwan itong nauugnay kapag ang nagha-harass ay nambastos o nakasakit din sa mga kamag-anak ng biktima.

Maaring magsumite ng reklamo sa harassment ang mga biktima mula sa Protection from Harassment Court. May iba’t ibang uri ng proteksyon na maaari mong makuha, ngunit mabuti na kausapin ang isang legal na tagapayo o NGO upang maintindihan kung aling uri ng order ng proteksyon ang pinakamainam para sa iyo.

Kung matuklasang may kasalanan ang nagpapautang sa pangha-harass sa iyo, maaaring bawiin ng Pamahalaan ng Singapore ang kanilang lisensya.

  • Tumawag sa pulisya (999) kung ikaw ay nasa anumang panganib.
  • Siguraduhin ang iyong kaligtasan at ilayo ang sarili mula sa pinagmumulan ng harassment sa lalong madaling panahon.
  • Subukang itago ang kahit na anong ebidensya (patunay) na maaaring magamit – maaaring ito ay picture, video, o boses na ni-record. Ingatan ang ebidensyang ito nang maayos.
  • Humingi ng tulong at suporta mula sa isang pinagkakatiwalaang organisasyon o NGO (Tingnan ang resources seksyon).

Resources: