Workplace Harassment

What do you need to know?

Sa Singapore, krimen ang mang-harass ng isang tao base sa Protection Against Harassment Act 2014 (POHA). Ang batas na ito ang nagpoprotekta sa mga tao laban sa harassment at sumasaklaw din sa mga migrant domestic workers (MDW).

Sa ilalim ng batas na ito, sinumang tao na nagbabanta, nang-aabuso o nang-iinsulto sa ibang tao na may intensyon (hangarin) na magdulot ng harassment, alarma, o pangamba sa ibang tao ay nagkasala ng harassment. Ang harassment ay maaaring mangyari anumang oras, kahit saan,  kasama na ang lugar ng trabaho.

Isang halimbawa ng harassment ay maaaring ang pagbubunyag ng isang employer ng  mga hindi angkop na usapin sa kanilang empleyado, o sa paligid ng kanyang empleyado, na maaaring magdulot ng pagka-asiwa o pangamba  sa empleyado.

Sa ilalim ng Protection Against Harassment Act, ang nagbabanta, mapang-abuso o nang-iinsultong mga aksyon na maaaring magdulot sa biktima na makaramdam ng harassment, alarma, o pangamba ay sapat na upang mang-aresto ng isang tao para sa harassment. Maaaring makasuhan ng harassment kahit pa alam o hindi alam ng nambabastos na ang biktima ay nakararamdam ng harassment o alarma.

Halimbawa, kung mag-post si Annie ng komento sa social media para bayaran ni Ben ang kanyang utang kay Annie, maaaring makaranas si Ben ng emotional distress dahil sa post. Maaaring mapatunayan ni Ben na siya ay hina-harass ni Annie.

Photo by Saif71.com on Unsplash

Sa Singapore, krimen ang pasadyang paniwalain ang isang biktima na may gagawing ilegal (unlawful) na karahasan laban sa kanya.

Ang krimeng ito ay iba sa harassment, dahil ang krimeng ito ay may banta ng pisikal na karahasan (hal: pisikal na kontak). Ang harassment ay maaaring hindi pisikal (hal: pagbabanta gamit ang mga salita).

Halimbawa, si Annie, isang employer, ay nag-post ng mapang-abuso at nagbabantang mensahe sa Facebook tungkol sa kanyang dating MDW na si Susan. Ipinost ni Annie ang personal na impormasyon ni Susan at nagbanta na sasaktan niya si Susan. Sa pagkakataong ito, maaaring mapatunayang nagkasala si Annie ng pagbabanta ng physical violence.

Ang maximum na parusa para sa krimeng ito ay multa ng SG$5,000 at hanggang 12 buwan sa bilangguan, o pareho.

Sa ilalim ng Protection Against Harassment Act, ang ilegal na pagsunod o pagmamanman sa isang tao ay isang krimen. Sa ilalim ng batas na ito, ang stalking ay kapag ang isang tao ay gumagawa ng isang kilos (o hindi nagtagumpay na gumawa ng isang bagay) na kaugnay stalking, na nagdudulot ng harassment, alarma, o pangamba sa ibang tao. Ang stalker ay dapat may intensyon din (nais) na magdulot ng harassment, alarma, o pangamba sa ibang tao. Sa konteksto ng mga MDW na nagtatrabaho sa Singapore, maaaring maging biktima ang MDW sa stalking mula sa kanilang employers dahil hindi tiyak o walang separasyon  ang lugar ng  kanilang trabaho kanilang tinitirahan.

Sa konteksto ng MDW, ilang halimbawa ng stalking ay maaaring kasama ang:

  1. Pagsunod sa MDW sa kanyang day-off;
  2. Pagtayo o pamamalagi malapit sa mga lugar kung saan nagtitipon ang mga MDW kapag wala sila sa trabaho;
  3. Pagbibigay ng mga regalo kahit sinabi na sa kanila na tumigil;
  4. Pagbabantay sa isang tao (halimbawa, paglalagay ng kamera sa silid-tulugan ng MDW);
  5. Paulit-ulit na pagpapadala at pagpapakalat ng revealing photo ng iba pang tao

Ang maximum na parusa para sa stalking ay multa ng SG$5,000 o pagkakulong ng 12 buwan, o pareho.

Sa ilalim ng Protection Against Harassment Act,  krimen ang pag ‘dox’ ang isang tao. Ibig sabihin ilegal na ipublish ng personal na impormasyon ng isang tao na may intensyon (hangarin) na mang-harass, mang-banta, o mag-udyok ng karahasan laban sa kanila.

Isang karaniwang halimbawa ng doxxing ay kapag ang isang tao ay nagbahagi ng personal na impormasyon ng biktima sa social media na alam nilang maaaring maging dahilan na pagbantaan o saktan ng ibang pang mga tao ang nasabing indibidwal.

Ang isa pang karaniwang halimbawa ng doxxing sa konteksto ng MDW sa lugar ng kanyang trabaho ay kapag ang isang employer ay nag-publish ng personal na impormasyon MDW nila na malapit nang matanggal, sa isang grupo sa social media na naglalaman ng mga kapwa Singaporean na employer. Ginagawa ito upang ipahiya ang migranteng domestic worker sa publiko dahil sa kanyang inakusahang di maayos at pangit na paraan ng pagtrabaho. .

Ang pinakamataas na parusa para sa doxxing ay multa na SG$5000 o pagkakulong ng 6 na buwan, o pareho.

Sa Singapore, maaaring panagutin ang parehong indibidwal at kumpanya sa mga krimen ng harassment. Kabilang dito ang mga employment agencies.

Minsan, posible na ang tao o kumpanya na nang-harass sa iyo ay wala nasa Singapore (halimbawa, isang recruitment agent na nagtatrabaho sa labas ng Singapore). Sa ilalim ng batas ng Singapore, ang korte ay maaaring mag-handle ng kaso ng harassment kung:

  1. Ang biktima ay nasa Singapore;
  2. Ang harasser ay alam, o may dahilan na malaman na ang biktima ay nasa Singapore.

Halimbawa: Ang isang recruitment agent na nagtatrabaho sa bansang pinagmulan ng MDW ay nagpapadala at nagpapakalat ng mga sensitibong larawan ng MDW. Dahil ang MDW ay nagtatrabaho sa Singapore, posible sa ilalim ng batas ng Singapore, na maaaring kasuhan ang agent ng harassment at matagpuang guilty sa harassment ayon sa batas ng Singapore.

Sa ilalim ng Protection Against Harassment Act, ang harassment ay nagaganap kapag ang isang tao ay nang-aabala sa isa pang tao na vulnerable  (halimbawa, ang biktima ay may pisikal o mental na kapansanan, o ang nang-aabala at ang biktima ay may intimate na relasyon).

Kinokonsidera rin ng Korte kung ang nang-harass ay naninirahan sa rin sa bahay ng biktima. Kasama dito ang mga MDW na inaabuso ng kanilang mga employer. Ngunit hanggang ngayon, walang kaso na isinampa sa ilalim ng reklamong ito. Inirerekomenda na makipag-usap ka sa isang legal advisor o NGO kung sa tingin mo ay nang-aabala sa iyo ang iyong employer.

Ang falsehood ay mali o hindi tamang pahayag laban sa isa pang tao. Sa ilalim ng Protection Against Harassment Act, ang isang pahayag ay mali kung ito ay misleading (mapanlinlang o peke).

Ang falsehood ay maaaring mangyari kapag ang isang employer ay ipinapaalam sa publiko ang kanilang bintang na magnanakaw ng kanilang MDW kahit hindi ito napatunayan o totoo.

Sa ilalim ng Protection Against Harassment Act, maaaring maghain ng krimeng kaso at civil case para sa falsehood.

Kung sa tingin mo ay mayroong nagpapakalat ng falsehood tungkol sa iyo, maaari kang humiling sa korte ng:

Disabling order: ito ay kapag inuutusan ng korte ang internet service provider (ang nagbibigay ng Wi-Fi) na itigil ang access sa false statement  o maling pahayag.

Stop publication order: ibig sabihin, kailangang itigil ng nang-aabala ang paglalathala o pagpapakalat ng maling pahayag pagdating ng takdang petsa.

General at targeted correction order: ibig sabihin, kailangang maglabas ang nang-aabala ng isang correction notice sa loob ng takdang petsa.

  • Kumilos kaagad upang masolusyunan ito lalo na  kung nilalagay ka ng harasser sa peligro. Tumawag sa pulisya (999) kung ikaw ay nasa panganib.
  • Manatiling ligtas at subukan i-document at kolektahin ang ebidensya ng harassment (hangga’t maaari). Makakatulong ito sa iyo lalo na kung magpapasiya kang maghain ng kaso sa pulisya o korte.
  • Humingi ng tulong mula sa mapagkakatiwalaang organisasyon na nakasulat sa resource section at iulat ang harassment sa mga awtoridad.

Resources: