Sexual Assault

What do you need to know?

Ang sexual assault o  pag-aabusong sekswal ay anumang krimen laban sa isang tao na nagdulot ng pisikal na pinsala, sakit, o mental na paghihirap. Ito ay isang krimen sa Hong Kong. Narito ang isang pangkalahatang-ideya ng iba’t ibang uri ng mga sexual offences (krimen) sa Hong Kong:

Sa ilalim ng seksyon 122 ng Crimes Ordinance, ang tao na malaswang (indecent) nanakit ng ibang tao ay nagkakasala ng krimen ng indecent assault.

Karaniwan, ang salitang indecentay nangangahulugang ang krimen ay sekswal. Ang ilang mga gawain ay malinaw na malaswa, tulad ng paghawak sa mga pribadong bahagi ng katawan nang walang pahintulot. Gayunpaman, ang ibang mga gawain tulad ng paghawak sa puwit o paghalik ay maaaring hindi masampahan ng kaso. Ang nagkasala ay dapat may intensyon (pagnais) na saktan ang biktima at ang aksyon na ginawa ng nagkasala ay indecent o malaswa. Ang Hukom sa korte ang siyang magpapasya sa mga sitwasyon na tulad nito.

Sa ilalim ng seksyon 118 ng Crimes Ordinance, ang isang lalaki na gumahasa sa isang babae ay nagkakasala ng krimen na pinakamabigat na parusa ay pagkakakulong habangbuhay. Nangyayari ang rape kapag ang isang lalaki ay sapilitang nakipagtalik sa isang babae na hindi pumayag o nagbigay ng consent sa pakikipagtalik. Ang pinakamahalagang bahagi ng krimen ay ang hindi pagpapahintulot o hindi pagbibigay ng consent sa pakikipagtalik. Upang mapatunayang nagkasala ng panggagahasa, dapat may ebidensya na ang babae ay hindi pumayag sa pakikipagtalik.

Ang marital rape ay katulad ng rape. Ang tanging pagkakaiba sa dalawa ay ang nagkasala ay asawa o partner ng biktima. Sa ilalim ng batas ng Hong Kong, kinakailangang may consent o may pagpayag ang babae sa pakikipagtalik sa kanyang asawa. Ang asawang babae ay may karapatang magdesisyon at isinasaalang-alang ng batas na ang asawang babae ay buo at malayang pumapayag sa pakikipagtalik.

Ang batas na ito ay naaangkop din sa isang babaeng partner o kasama sa bahay ( live-in partner)

Sa ilalim ng seksyon 159G ng Crimes Ordinance, ang isang indibidwal ay nagkakasala ng attempted rape kapag siya ay nabigo sa tangkang panggagahasa ng ibang tao. Maaaring ang maysala ay nabigo dahil ang biktima ay lumaban o tumutol.

Kung ang indibidwal ay kinasuhan ng attempted rape, dapat maipakita ng ebidensya na ang nagkasala ay may intensyon (nais) na gahasain ang biktima na hindi nagtagumpay dahil sa ilang kadahilanan.

Minsan, hindi sapat ang ebidensya. Sa ganitong kaso, maaaring kasuhan ng assault offence ang may sala (halimbawa, indecent assault).

  • Maging ligtas at lumayo sa pinagmumulan ng panganib. Maging maingat sa pag-dokumento ng anumang abuso. Ang mga ebidensyang ito ay maaaring makatulong kung nais mong magsampa ng reklamo sa pulisya.
  • Humingi ng tulong mula sa isang taong pinagkakatiwalaan at i-report ang sexual assault sa mga awtoridad. Ang Rainlily Hong Kong ay nagbibigay ng mga emergency support services sa mga taong biktima ng sexual assault. Ang CEASE Crisis Centre (Tagalog) ay nagbibigay rin ng mga katulad na serbisyo, kabilang ang pagbibigay ng tirahan. Kasama sa kanilang mga serbisyo ang pagtulong sa mga biktima na magpunta sa pulisya upang mag-file ng report. Kung ikaw ay nasa agarang panganib, tumawag sa pulisya sa 999 para sa agarang tulong.

Resources:

Philippines Consulate in Hong Kong