Employment Scam

What do you need to know?

Ang mga employment scam ay karaniwang mga pekeng ‘trabaho’ na naglalayong lokohin ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasabing madali ang trabaho, mataas ang sahod at flexible ang requirements.

Karamihan sa mga employment scam ay karaniwang:

  1. Sobrang kaunti ang requirements na kailangan  para sa trabaho ngunit may mataas na sahod;
  2. Mga pahayag na ang trabaho ay legal;
  3. Mga pahayag na maaaring gawin ang trabaho ‘kahit saan’ o ‘work from home’;
  4. Kawalan ng legal na pangalan ng kumpanya o pisikal na address ng kumpanya;
  5. Malabo o hindi malinaw na mga tungkulin sa trabaho.

Ang mga pinaka karaniwang job scam sa Hong Kong ay kinabibilangan ng:

  1. ‘Survey-filling scam’ kung saan ang tao ay nagtatrabaho upang punan ang ilang mga survey gamit ang kanilang mobile phone ngunit nangangailangan silang magpadala ng pera bago magsimula ang trabaho;
  2. Isang trabaho na nag-aalok sa mga tao na magtrabaho bilang “customer service operator” sa ibang bansa; o
  3. Isang trabaho sa pagmamanupaktura sa Europa o USA ngunit pinipilit na kailangang magbayad muna ng downpayment.
Image by Mohamed Hassan from Pixabay

Ang mga migrant domestic workers (MDW) ay maaaring maging target ng mga job scam. Halimbawa:

  1. Recruitment Scams: ang isang scammer ay maaaring magpadala ng hindi hinihinging mensahe sa WhatsApp sa isang MDW na nagsasabing ang kanilang kumpanya ay naghahanap ng mga tao upang magbigay ng mga review at gumawa ng mga survey kapalit ang pera (halimbawa, ‘naghahanap kami ng mga tagasagot ng survey / product reviewer’). Ang mga scammer ay maaaring subukang kumbinsihin ang MDW na ang trabaho ay madali at na maaari silang mabayaran para lamang sa manood ng mga pelikula o sumagot ng mga survey. Karaniwan ay hihingin ng scammer ang personal na impormasyon ng MDW (halimbawa, pangalan, numero ng telepono, HKID number, atbp.) o sasabihing kailangan magbayad ng ‘administrative fee’ bago mabibigay ang sahod. Karaniwang mawawala na ang scammer pagkatapos makuha ang bayad.
  2. Working Abroad Scams: ang isang scammer ay maaaring magpadala ng hindi hinihinging mensahe sa WhatsApp sa isang MDW tungkol sa isang kapana-panabik na trabaho sa Europe/Canada/United States. Pagkatapos, ang scammer ay hihiling sa MDW na magbayad ng isang bayarin (tulad ng medical check, work pass application o deposit) upang makumpirma ang trabaho. Hindi ito isang tunay na trabaho at ang MDW ay maaaring mailagay sa isang mapanganib na sitwasyon at mawalan ng maraming pera sa pagbabayad ng deposit.
  3. Investment Scams: ang isang scammer ay maaaring makipag-ugnayan sa isang MDW sa pamamagitan ng WhatsApp na may ‘investment opportunity’ kung saan ang MDW ay mag-i-invest ng pera sa ari-arian, cryptocurrency o stocks. Ang scammer ay maaaring magpadala ng mga pekeng picture ng graph upang ipakita kung paano lumago ang investment (halimbawa, ang isang HK$1,000 na investment ay lumago sa HK$100,000). Pagkatapos ay maaaring hilingin ng scammer sa MDW na magbigay ng isang ‘deposio’ upang makapagsimula at kapag natanggap na ang pera, mawawala na ang scammer.

Laging mag-ingat at suriin ang kumpanya bago pumasok sa isang trabaho. Naglabas ang Hong Kong police ng isang online tool at mobile app upang makatulong na makilala ang mga scam. Kung makakatanggap ka ng isang job offer o makakatanggap ng isang kahina-hinalang tawag, maaari mong suriin sa website o phone app ng Scameter.

  • Kung makatagpo ka ng scam, subukang kumuha ng mga picture, video o recording upang magamit bilang ebidensya kung magpapasya kang i-report ang scam sa Hong Kong police o sa Hong Kong’s Anti-Scam Helpline sa 18222.
  •  Kung makakita ka ng job posting na hindi ka sigurado, suriin kung ito ay lehitimo gamit ang Scameter o humingi ng payo mula sa isang NGO.
  • Huwag makipag-usap o makipag-ugnayan sa scammer kapag natuklasan mong ito ay scam. Mas mabuting itigil ang pakikipag-usap at i-block o i-report ang numero ng telepono.
  • Huwag tanggapin ang isang bagong trabaho na hindi ito na-verify.
  • Ikonsidera ang pagsusumite ng isang civil claim. Maaaring makakuha ka ng compensation mula sa scammer kapag nagsampa ng civil case. Humingi muna ng legal na tulong mula sa isang legal advisor o NGO.

Resources:

Philippines Consulate in Hong Kong