Physical Violence at Sexual Assault

What do you need to know?

Ano ang physical violence?
Ang assault at paggamit ng “criminal force” ay parehong mga krimen sa Singapore.

Sa ilalim ng seksyon 351 ng Penal Code, ang assault ay kapag may isang tao na gumawa ng isang bagay o aksyon na nagdudulot sa ibang tao na mag-isip na sila ay masasaktan o masusugatan.

Ang assault ay hindi kailangang magkaroon ng aktuwal na paggamit ng lakas o pisikal na puwersa. Maaari kang magkasala ng assault nang hindi hinahawakan mismo ang biktima — halimbawa:

☒ Kung sinabi ni Adam kay Ben, “Sasaktan kita”: Ito AY HINDI assault

☑ Kung sinabi ni Adam kay Ben, “Sasaktan kita” habang may hawak na pamalo: Maaaring nagkasala si Adam ng assault. Ito ay dahil ang pagsasabi habang may hawak na pamalo ay maaaring nagbigay takot kay Ben na siya ay masasaktan.

Ang criminal force ay mas malala sa assault dahil ito ay krimen na may paghawak o physical touch sa biktima at may intensyon na saktan ito.

Sa ilalim ng seksyon 349 ng Penal Code, ang criminal force ay ginagamit laban sa isang tao nang walang pahintulot ng biktima. Ginagawa ito ng salarin na gustong manakit ng biktima (sinasadya).

Ang pananakit maaaring maging pisikal (hal: pagsuntok sa isang tao) o paggamit ng isang bagay (hal: , pagbato ng walis tingting sa isang tao) o paggamit ng isang substance (hal:  pagtatapon ng kumukulong tubig sa isang tao). Hindi tulad ng assault, ang criminal force ay maaaring mangyari lamang kapag ito ay ginawa gamit ang aksyon, hindi sa pamamagitan ng salita lamang. Halimbawa, kung sinabi ng isang tao na “Sasaktan kita”, ito ay assault lamang at hindi criminal force.

Photo by Pixabay on Pexel

Sa Singapore, kabilang ngunit hindi limitado sa mga  sexual offences ang rape at sexual assault involving penetration.

Sa ilalim ng section 375 at 376 ng Penal Code, ang lalaking gumahasa sa isang babae o sinumang tao na gumawa ng ‘sexual assault involving penetration’ ay nakagawa ng krimen. Ang pinakamataas na parusa ay pagkakakulong ng hanggang 20 taon at caning o multa. Ang pinakamahalagang bahagi ng krimen ay hindi pumayag o nagpahintulot ang babae. Ang pahintulot ay dapat ibigay nang malaya at kusang-loob upang ito ay mabilang. Dapat ay walang banta, pananakot, panggigipit o pag guilt-trip.

Iba pang mga sexual assault na maituturing ay ang mga:

  1. Unwanted sexual touching (halimbawa: mga halik, paghawak, paghipo, atbp.)
  2. Walang pahintulot na sekswal na request, messages at kilos o gestures
  3. Pagpilit na manood ng pornography
  4. Pagkuha ng mga sensitibong o hubad na litrato ng isang tao (hal: pagkuha ng sikretong picture ng isang tao sa ilalim ng kanilang palda)
  5. Pilitin na magbigay ng masahe na hindi nararapat

Ang Penal Code ay nagbibigay ng proteksyon sa MDW laban sa karahasan at pang-aabuso. Sa ilalim ng code na ito, mayroong matitibay na parusa para sa mga taong nang-aabuso o hindi nakapagbigay proteksyon sa kanilang mga MDW – karaniwan, kung ang isang employer (o mga kasapi ng pamilya ng employer o isang ahensya ng trabaho) ang gumawa ng krimen laban sa isang MDW, maaaring doble ang katumbas na parusa para dito, kumpara sa kadalasang pinakamataas na parusa para sa kaparehong mga krimen.

Bukod dito, ang sinumang nagpapahintulot o nagpapabaya sa pang-aabuso ng isang MDW, ay maaari ring parusahan ng hanggang 4 taon sa bilangguan,  pagmultahin ng SG$4000, o pareho.

Kung ang isang employer ay na-convict (na-charge) ng pang-aabuso laban sa kanilang MDW, ang employer ay permanenteng pagbabawalan sa muling pagtanggap ng MDW.

  • Tumawag ng police (999) kung ikaw ay nasa panganib, physical violence man o sexual violence ang nangyari upang makakuha ng emergency support. Maaaring irefer ng kapulisan ang biktima para sa medical checkup o ipagamot kung kinakakailangan.
  • Para sa physical violence o sexual harassment na nangyari na at para sa mga na trauma pagkatapos ng insidente na hindi emergency ngunit kinakailangang gamutin, maaari kang makipag-ugnayan sa 24-oras na National Anti-Violence at Sexual Harassment Helpline sa 18007770000 na ibinibigay ng Pamahalaan ng Singapore.
  • Humingi ng tulong kung sa tingin mo ay nakaranas ka ng sexual assault. Maaaring humingi ng tulong sa isang pinagkakatiwalaang organisasyon para tulungan kang ireport ang krimen sa pulisya.
  • Kung ikaw ay nasaktan o nasugatan, maghanap ng tulong medikal sa lalong madaling panahon. Maari mo ring sabihin sa mga doktor o nars kung sa tingin mo na ikaw ay biktima ng sexual assault. Sila ay makakatulong sa iyo.
  • Kung ikaw ay isang NGO o organisasyon na tumutulong sa isang taong sa pisikal o sekswal na inaabuso, suportahan ang biktima sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na makaalis sa pinagmumulan ng panganib sa lalong madaling panahon .

Resources: