Hindi lisensyadong Money Lending sa Singapore

What do you need to know?

Ang unlicensed money lending , ilegal na pagpapautang, o unlawful money lending ay nangyayari kapag ang nagpapautang ay walang lisensya upang magpahiram ng pera. Ang unlicensed money lender ay kilala rin bilang “Ah Long” o “loan shark”.Mapanganib at maaaring hindi ligtas na makipag-ugnayan sa di lisensyadong money lender  dahil maaari kang, ang iyong employer, ang iyong pamilya, at iba pa,  i-harass o takutin.

Hindi krimen na manghiram ng pera mula sa isang unlicensed money lender, ngunit ito ay mapanganib. Ito ay dahil hindi awtorisado o binigyan ng pahintulot na magbigay ng mga utang ng mga awtoridad sa Singapore ang mga ito. Ang mga MDW na manghihiram mula sa mga unlicensed money lenders ay maaaring hindi na papayagang magtrabaho sa Singapore sa hinaharap.

Ang Singapore Ministry of Law ay may listahan ng mga lisensyadong money lenders na maaari mong gamitin upang tignan kung ang iyong inuutangan ay may lisensya.

Dapat sumunod sa mahigpit na mga patakaran ang mga lisensyadong money lenders upang mapanatili ang kanilang lisensya. Maaaring bawiin ng mga awtoridad sa Singapore ang kanilang lisensya kung sakaling lumabag sila ng batas at hindi na papayagang magtuloy ang money lending business

Hindi pinapayagan ang mga money lenders na gawin ang mga sumusunod:

  1. tumawag o mag-text sa mga miyembro ng publiko nang walang abiso;
  2. aprubahan ang isang utang nang hindi muna sinusuri ang identity ng nanghihiram – ang isang utang ay maaari lamang aprubahan nang personal, hindi sa telepono o Whatsapp; o
  3. humingi ng bayad mula sa nanghihiram bago ibigay ang utang. Ang nagpapautang ay maaari lamang maningil ng administrative fees pagkatapos ibigay ang utang, karaniwang din na ito ay ibinabawas mula sa buong halaga ng utang.

Kung ikaw ay hindi sigurado tungkol sa detalye ng iyong utang o sa nagpapautang, makipag-ugnayan sa isa sa mga organisasyon na nakalista sa resources section.

Tumawag sa pulisya (999) o sa X-Ah Long hotline (1800-924-5664) kung ikaw ay tinatakot o hina-harass ng mga money lender.

Resources:

Embassy of the Republic of the Philippines in Singapore