Sa Singapore, isang seryosong paglabag sa batas ang pagpapatakbo ng isang employment agency nang walang lisensya. Ang sinumang gumagawa nito ay maaaring humarap sa parusa na hanggang SG$80,000 multa, o dalawang taon na pagkabilanggo o pareho. Sa ilalim ng Employment Agencies Act 1958, ang mga employment agency sa Singapore, pati na rin ang kanilang mga empleyado, ay dapat magbigay ng serbisyo na may kaugnayan sa pagtatrabaho lamang sa Singapore at panatilihin ang pagkakaroon ng lisensya ng ahensya.May ilang mga sitwasyon lamang kung saan hindi kinakailangan ng lisensya ang employment agency:
May ilang mga sitwasyon lamang kung saan hindi kinakailangan ng lisensya ang employment agency:
- Kung ang employment agency ay nagrerecruit ng mga manggagawa para maging empleyado nito. Halimbawa, ang mga kumpanya na nagrerecruit ng mga migrant domestic workers (MDW) sa ilalim ng ‘Household Service Scheme’ ay hindi kinakailangang magkaroon ng lisensya, ngunit dapat rehistrado sa Pamahalaan ng Singapore at may Singaporean Government’s permission.
- Kung ang employment agency ay nagrerecruit ng mga tao sa pamamagitan ng internet o online. Gayunpaman, hindi maaaring ipalabas ng employment agency na sila ay lisensyado o mag-advertise na sila ay lisensyado kung wala silang lisensya.
- Kung ang employment agency ay may platform o lugar upang makahanap ng trabaho – halimbawa, pagbabahagi ng isang job posting sa isang Facebook group.
Ano ang mga panganib ng paggamit ng serbisyo ng isang unlicensed employment agency?
Maaaring makunsidera bilag krimen ang sinumang gumagamit ng isang unlicensed employment agency. May iba’t ibang mga panganib na kaugnay sa paggamit ng isang unlicensed employment agency.
- Ang MDW ay maaaring ilegal na singilin para sa mga serbisyong hindi namn nila natanggap (halimbawa, sobrang singil).
- Ang MDW ay maaaring ilagay sa part-time na trabaho o pagtrabahuhin sa labas ng Singapore na maaaring maglagay sa MDW sa panganib.
- Posibleng hindi pinroseso ng maayos ng employment agency ang visa ng MDW, ito ay maaaring magresulta sa ilegal na pagpasok ng MDW sa Singapore.
- Ang employment agency ay maaaring ilagay ang MDW sa isang trabaho na naglalagay sa MDW sa panganib na maging biktima ng human trafficking.
Paano ko malalaman kung lisensyado at legal ang operasyon ang aking employment agency?
Ang Ministry of Manpower (MoM) ng Singapore ay may website kung saan maaari mong suriin kung ang iyong employment agency ay may naaayon na lisensya. Maaari mo rin makita dito ang mga employment agency na na-revoke ang lisensya o nasa ilalim ng monitoring ng Singapore Government.
Mga makatutulong na payo
- Tumawag sa pulis (999) kung ikaw ay nasa panganib
- Itago ang iyong ebidensya, kabilang ang anumang mga dokumento, recordings, o picture nang maayos sakaling magpasya kang magreklamo o ireport ang employment agency.
- Kung makakita ka ng ibang MDW na sobrang singil ng parehong employment agency, maaari kayong magtulungan upang ireport ang employment agency sa Commissioner of Employment Agencies o sa pulis.
- Ikonsidera ang pagsumite ng kaso sa korte para sa compensation (pera). Kung nais mong gawin ito, makipag-ugnayan sa legal advisor o NGO upang makakuha ng legal advice.
- Huwag magbayad ng anumang pera sa anumang ‘middle man’ o middle person. May mga panganib na ang iyong pera ay mawawala o hindi makararating sa employment agency. Laging makipag-ugnayan nang direkta sa employment agency.