Sa Hong Kong, seryosong isyu ang pag hawak o pagtago ng iyong pasaporte para sa iyo – ikaw at ang ng taong may hawak ng iyong pasaporte ay maaaring magkaroon ng problema sa ilalim ng batas. Sa ilalim ng Immigration Ordinance ng Hong Kong, ang bawat tao na naninirahan sa Hong Kong (kabilang ang migrant domestic workers (MDW)) ay dapat magdala ng patunay ng kanilang pagkakakilanlan (halimbawa, isang Hong Kong identity card o pasaporte).
Ang pagpapahiram ng iyong pasaporte o ang paghiram sa pasaporte ng iba ay seryosong isyu. Mahalagang huwag kailanman ibigay sa iba ang iyong pasaporte.
Ano ang magagawa ko kung ang aking employment agency ang may hawak ng aking pasaporte?
Sa ilalim ng batas ng Hong Kong, at sa mga Codes of Practice para sa employment agency, hindi pinapayagan na hawakan ng employment agency ang pasaporte ng isang MDW
Kung ang iyong employment agency ang may hawak ng iyong personal na mga dokumento (halimbawa, pasaporte, ID card), kahit pa pumayag ka dito, maaari mong ireport ang ahensya sa Employment Agencies Administration.
Maaaring ikonsidera ang pag-report sa kapulisan o sa konsulado kung may ibang tao o ahensya ang nais magtago ng iyong pasaporte. Itinuturing din na pagnanakaw ang paghawak sa pasaporte sa mga pagkakataong ito: Una, kung sinabi ng employment agency o kanilang staff na legal na sila ang humawak ng iyong dokumento. Pangalawa, sila ay nagbabanta na kailangan mong ibigay sa kanila ang dokumento
Maaaring itago ng iyong ahensya ang iyong mga dokumento ng pansamantala – ibig sabihin, ibabalik nila ito sa iyo. Dapat malaya kang nagpapahintulot dito. Siguraduhing i-check at kumpirmahin sa iyong ahensya kung kailan nila ibabalik sa iyo ang iyong mga dokumento.

Paano kung ang aking employer ang may hawak ng aking mga personal na dokumento?
Kung ang iyong employer ay may hawak ng iyong pasaporte o iba pang mga travel documents, una mong subukan sabihin sa iyong employer na ang paghawak ng iyong mga dokumento ay hindi pinapayagan o ilegal sa ilalim ng batas ng Hong Kong.
Kung tinanggihan ka ng iyong employer at hindi niya isinauli ang iyong mga dokumento, maaari kang magreport sa pulisya para sa pagnanakaw, o maaari kang humingi ng tulong sa iyong konsulado.
Mga makatutulong na payo
- Mga makatutulong na payo
- Ikonsidera ang pag-file ng police report kung hindi ibinigay sa iyo ng iyong employment agency o employer ang iyong personal na mga dokumento at kung ang agency/employer ay nasa Hong Kong.
- Kung ang iyong ahensya ay nasa labas ng Hong Kong, humingi ng tulong mula sa iyong konsulado.
- Ikonsidera ang pagre-report sa Employment Agencies Administration kung hawak ng recruitment agency ang iyong mga dokumento o pasaporte nang walang pahintulot, o ginagamit nila ito para pagbayarin ka ng utang.
- Huwag patagalin ang pagfile ng reklamo, kahit hindi mo agad kailangan ang iyong pasaporte o mga dokumento.