Workplace Injury (Mga injury sa lugar ng trabaho)

What do you need to know?

Ang workplace injury (mga injury sa lugar ng trabaho) ay tumutukoy sa kahit anong klase ng injury na nangyayari habang ang isang manggagawa ay nasa trabaho. Para sa mga migranteng domestic workers (MDW), kadalasan ang lugar ng iyong trabaho ay ang bahay ng iyong employer. Dapat ay agad na magpatingin sa doktor o pumunta sa ospital. Ang mga kadalasang halimbawa ay mga injury mula sa sirang equipment, pagkahulog mula sa mataas na  tinatayuan habang naglilinis.

Sa Hong Kong, ang Employees Compensation Ordinance (Cap. 282) ang nagpoprotekta sa lahat ng manggagawa, kasama ang mga MDW. Tungkulin ng employer pangalagaan at tiyaking ligtas ang kanilang mga employees. Sa pangyayaring masaktan ang employee habang sila ay nagtatrabaho, dapat magbayad ang employer ng karampatang compensation o pera sa employee para sa injury na natamo mula sa aksidente.

Sa isang banda, may iilang sakit ang hindi sakop ng batas para sa MDW dahil hindi ito kinukunsidera na mga sakit na may kaugnayan sa trabaho ng MDW. Maaring kumontak ng NGO o legal advisor kung ikaw ay hindi nakakasiguro na ang sakit o injury ay pasok sa kategorya na ito. (Tignan ang Resources section sa ibaba) What does it mean to be injured

Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng injury habang nagtatrabaho?

Sa ilalim ng Employees Compensation Ordinance, ang isang empleyado ay masasabing nakaranas ng workplace injury kapag ang injury ay nangyari habang sila ay kasalukuyang nagtatrabaho at gumagawa ng kanilang trabaho sa ilalim ng kanilang Employment Contract. Kasama rin dito kung ang empleyado ay gumagawa ng isang bagay na illegal o kapag ang empleyado ay gumawa ng isang bagay nang walang pahintulot o tagubilin ng employer.

Para sa MDW, lahat ng tungkulin sa Employment Contract o napagkasunduan sa pagitan ng MDW at employer ay sakop ng batas, kahit na hindi ka inutusan ng employer na gawin ang isang bagay. Kung ikaw ay nasugatan kapag ikaw ay gumagawa ng trabaho sa ilalim ng iyong Employment Contract, kahit na hindi ka hiniling o inutusan ng iyong employer na gawin ang trabaho, maaari kang makakuha ng kabayaran, o pera, mula sa iyong employer.

Maski na ilegal ang ginagawa mong trabaho (hal. nagtatrabaho sa shop, nagtatrabaho sa dalawang bahay, o nagtatrabaho sa lugar na iba sa address na nakasaad sa iyong Employment Contract) posible na pagbayarin ang iyong employer ng compensation mula sa natamong injury.

Ngunit, mag-ingat kung ikaw ay nagtatrabaho ng ilegal dahil maaaring imbestigahan ka ng husto ng awtoridad. Maaaring naisin ng Gobyerno ng Hong Kong na suriin kung ikaw ay biktima ng human trafficking o sapilitang paggawa.

Paano kung magkaroon ako ng injury sa Hong Kong habang nagtatrabaho?

Kung ang isang MDW ay masaktan o di kaya ay mamatay bilang resulta ng isang aksidente sa trabaho, ayon sa batas, ang employer ay maaaring kinakailangan magbigay ng compensation. Dapat ipaalam kaagad ng isang injured na MDW ang nangyaring aksidente sa kanyang employer. Marapat din na ireport ng employer ang aksidenteng nangyari sa Commission for Labour sa loob ng 14 araw (o 7 araw sa mga kaso ng aksidenteng nagresulta sa pagkamatay ng DMW) pagkatapos ng aksidente.

Sa ilalim ng batas, lahat ng employer ay dapat makakuha  ng insurance policies para sa kanilang MDW. Kapag hindi nakakuha ng insurance ang employer, maaari silang pag-multahin ng halagang  HK$100,000 at masentensyahan ng hanggang 2 taon sa kulungan. Ang employer ang dapat magbayad ng insurance.  Hindi kinakailangang magbayad ang MDW para sa kanyang sariling insurance. Hindi rin maaring bawasan ng employer ang sahod ng MDW o pilitin ang MDW na magbayad para sa kanyang insurance. Sa kaso na magkaroon ng injury, obiligado na ireport kaagad ng employer sa insurance company ang aksidente.

Kung nais na i-check kung may inilaan na insurance para sa iyo, maaari mong tanungin muna ang iyong employer. Kapag sila ay tumanggi at walang ginawa upang tugunan ito, pwedeng magsulat ng isang pormal na liham upang makahingi ng katibayan ng insurance at lahat ng dokumento para sa iyong inspeksyon. Kumontak ng NGO o legal advisor kung sakaling kailangan ng tulong para dito (tignan ang Resources section sa ibaba ng pahinang ito)

Paano kung ako ay maaksidente  sa labas ng Hong Kong?

May ibang employers na dinadala ang mga MDW sa iba bansa upang magtrabaho. Ang gawain na ito ay ilegal.  Mahalagang tandaan na hindi kasama sa batas at ng karamihan ng insurance policies ang kahit anong injury na natamo sa labas ng Hong Kong.

Sa isang banda, maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang mga ahensya ng gobyerno sa Hong Kong (hal. Immigration Department, Labour Department), kapag ang isang MDW ay napagsuspetsahan na biktima ng human trafficking o di kaya ay sapilitang pagtatrabaho sa labas ng Hong Kong.

Mga makatutulong na payo:

~Tumawag sa 999 para sa ambulansya lalo na kung malala ang injury. Ipaalam sa doktor ang iyong injury at ikuwento kung paano ito nakuha. Maigi na magpakonsulta at magpagamot kaagad sa mga medikal na pasilidad. Para sa mga hindi malalang injury,maigi na makuhanan ng picture o video ang iyong injury. Subukan din isulat ang oras, araw, at lugar kung saan nakuha ang injury dahil kinakailangan ang mga impormasyon na ito sa mga susunod na mga gagawin.

~I-report kaagad ang injury sa iyong employer kasama ang araw, oras, lugar ng aksidente, ano ang klase ng injury, at paano ito nagyari. Ang pag-report ay maaring written o message sa WhatsApp. Tandaan, maaaring mas mahirapan makakuha ng claim o compensation (pera) pag nakalimutan ang mga detalye.

~Ipaalala sa iyong employer na i-report ang anumang workplace injury sa Labour Department at sa insurance company sa loob ng 14 araw mula sa pagkakaroon ng injury.

~Picturan o magtago ng mga kopya ng importanteng dokumento tulad ng mga sertipiko sa sick leave, workplace injury report, mga resibo sa gastusing medical, at mga sumusunod na pagbisita sa doktor or ospital.

~Pumunta sa Labour Department upang i-report kung paano nakuha ang injury habang nasa trabaho.

~Dapat ipaalam agad sa Labour Department kung hindi pumayag ang iyong employer na i-report ang anumang workplace injury o kung ikaw ay tinanggal sa trabaho dahil sa iyong injury. Maaring makakuha ng tulong mula sa mga legal advisors o sa mga NGO upang makakuha ng claim o compensation (pera).

Resources:

Equal Justice

Mission For Migrant Workers

Hong Kong Federation of Asian Domestic Worker Unions (FADWU)

HELP for Domestic Workers

Labour Department of Hong Kong (Foreign Domestic Helper’s Section)

Justice Without Borders (Hong Kong)