Paano nire-regulate ng batas ng Singapore ang money lending?
Nire-regulate ng Gobyerno ng Singapore ang pagpapautang ng pera at walang restriksyon kung sino ang maaaring mag-apply para makakuha ng loan.
Gayunpaman, ang maximum na pautang na maaaring hilingin ng isang migrant domestic worker (MDW) ay nakadepende sa kanyang buwanang sahod. Kung ang taunang sahod ng MDW ay mas mababa sa SG$10,000, ang maximum na maaari niyang hiramin ay SG$500.

Mayroon bang maximum na interest rate?
Sa Singapore, ang pinakamataas na interest rate na maaaring singilin ng isang nagpapautang ay 4% kada buwan. Ibig sabihin, kung ikaw ay humiram ng SG$100 at nabigo kang bayaran ang utang sa tamang oras, ang pinakamataas na interest na maaaring singilin sa iyo ay SG$4 kada buwan.
Minsan, maaaring nais ng nagpapautang na singilin ang nanghihiram ng ‘late interest’. Ang nagpapautang ay maaaring maningil lamang ng late interest sa halagang huli, hindi sa kabuuang utang. Halimbawa, kung si Aisha ay humiram ng SG$10,000 at nabigong bayaran ang unang hulog na SG$2,000, ang nagpapautang ay maaaring maningil ng late interest sa huling SG$2,000 lamang, hindi sa natitirang SG$8,000.Simula 1 Oktubre 2015, ang mga money lender ay maaari lamang magdagdag ng karagdagang singil sa mga pagkakataong ito:
Ang kabuuang interest na kailangan bayaran ay hindi maaaring lumampas sa halaga ng hiniram. Halimbawa, kung si Adam ay humiram ng SG$10,000, ang lahat ng mga sisingilin na fees ay hindi maaaring lumampas sa SG$10,000 bawat taon.
Kung ang nanghiram ay na-late sa pagbabayad ng utang, maaari lamang maningil ang money lender ng hindi lalampas sa SG$60 na charges o fees bawat buwan ng huling pagbabayad;
Kapag binigyan ka ng lender ng utang, maaari lamang silang mag-charge ng dagdag na fees hanggang sa 10% ng total na halaga ng hiniram; at
Ano ang mga panganib sa pakikipag-ugnayan sa mga di lisensyadong money lender?
Lahat ng nagpapautang ng pera ay kailangang kumuha ng lisensya upang makapag-operate sa Singapore. Gayunpaman, mahalagang malaman na kahit pa lisensyado ang lender, maaari pa ding silang sumuway sa batas. Ang Pamahalaan ng Singapore ay may listahan ng lahat ng lisensyadong money lender, maaari mong gamitin ang listahang ito upang suriin kung lisensyado ang money lender na iyong ka-transaksyon.
Maraming panganib kung ikaw ay manghihiram ng pera mula sa isang money lender na walang lisensya. Halimbawa, ang nagpapautang ay maaaring:
- gumamit ng mapang-abusong pananalita o takutin ka;
- hingin ang iyong password o mga detalye sa social media;
- itago ang iyong pasaporte o mga personal na dokumento ng pagkakakilanlan;
- pilitin kang pumirma sa isang blangkong kontrata;
- aprubahan ang iyong utang nang hindi nagbibigay ng kopya o hindi ipinaliwanag ang lahat ng mga tuntunin ng utang;
- magbigay ng utang sa pamamagitan ng telepono o Whatsapp; o
- tanggihan na ibigay ang utang sa iyo.
Kung makakahanap ka ng nagpapautang na gumagawa ng mga ganitong bagay, maaaring i-report sa Registry of Moneylenders. Tiyakin na i-record ang pangalan ng ahensya ng money lender, license number, at contact number.
Paano ko malalaman kung lisensyado ang isang money lender?
Simula 1 Nobyembre 2011, ang mga lisensyadong money lender ay pinapayagan lamang mag-advertise sa tatlong paraan:
1. Mula sa business o consumer directories (sa print o online);
2. Sa kanilang sariling website; at
3. Mga advertisements na nakalagay sa business property o ari-arian ng negosyo ng money lender
Ang mga nagpapautang ng pera ay hindi maaaring mag-advertise sa ibang paraan. Kung makakatanggap ka ng flyer, text message, o komunikasyon sa pamamagitan ng iba pang paraan mula sa isang money lender, nilabag nila ang mga tuntunin sa pag-advertise at hindi ka dapat manghiram ng pera mula sa kanila.
Kung makakita ka ng anumang pinagbabawal na advertisements, maaari mo itong i-report sa Registry of Moneylenders sa 1800-2255-529 o sa website ng Ministry of Law.
Ano ang ibig sabihin ng pagiging isang guarantor?
Ang isang guarantor ay taong tumatayo bilang ‘back-up’ para sa isang taong kumukuha ng utang (ang nanghihiram). Nangangako ang guarantor sa money lender na babayaran nila ang utang kung hindi makabayad ang nanghihiram.
Kung hinihiling sa iyo na maging guarantor para sa isang tao (tulad ng isang kaibigan), dapat kang maglaan ng oras upang maunawaan kung ano ang iyong mga responsibilidad at ang mga kahihinatnan ng hindi nila kakayaning mabayaran ang utang.
Halimbawa, dapat mong unawain muna kung ang nanghihiram ay tiyak na makakabayad ng utang. Kung hindi makabayad ang nanghihiram, ikaw ang mananagot para sa utang.
Kung pumayag kang maging guarantor para sa isang tao, hindi maaaring hilingin ng nagpapautang na ibigay mo ang iyong Work Permit card o iba pang personal na dokumento (halimbawa, pasaporte, ATM card).
Ano ang dapat kong gawin pagkatapos akong mapahiram ng pera?
Kung ikaw ay naaprubahan para sa isang utang, dapat mong:
- siguraduhin maibigay sayo ang buong halaga ng utang – ang money lender ay maaaring magbawas lamang ng hanggang 10% ng utang bilang ‘approval fee’.
- siguraduhin na makatatanggap ka ng resibo tuwing ikaw ay magbabayad. Laging i-check kung tama ang ang impormasyon sa resibo (hal: ang iyong pangalan, ang petsa, ang halagang binayaran, atbp.).
- makatanggap ng statement mula sa money lender tuwing Enero at Hulyo na nagpapakita ng status ng iyong utang , halaga ng iyong nabayaran at kung magkano pa ang natitira.
- ingatan nang maayos ang lahat ng resibo, sulat, at mga statements bilang ebidensya ng mga pagbabayad, sakaling magkaroon ng mga problema o isyu sa hinaharap.
Unfair Trade Practices o Mga Di-Makatarungang mga gawain sa loob ng negosyo
Ang “Unfair Trade Practices” ay tumutukoy sa anumang gawi o gawain na mapanlinlang sa mga consumer. Maaaring ito ay isang produkto o serbisyo na hindi tumutugma sa unang alok o advertisement.
Minsan, posibleng mag-advertise ang mga money lender ng pagpapautang sa MDW na may partikular na interest rate. Ngunit, kapag pumunta ang MDW upang mag-apply ng utang, ang kasunduan sa utang ay may mas mataas na interes kaysa sa inilabas sa publiko. Maaaring mapilitan ang MDW na tanggapin na lamang ang utang dahil sa pag-pressure na kunin ito.
Sa ilalim ng Consumer Protect (Fair Trading) Act 2003, ang sobrang interes ay itinuturing na isang ‘Unfair Trade Practice’. Maaaring makapagsampa ng aksyon laban sa money lender. Gayunpaman, dapat humingi ka muna ng payo mula sa isang abogado o NGO tungkol sa iyong reklamo.
Mga makakatulong na payo:
- Tumawag sa pulisya (999) o sa X-Ah Long hotline (1800-924-5664) kung ikaw ay tinatakot o hina-harass ng money lender.
- Ikonsidera ang pagrereport sa money lender kung ng sila ay walang lisensya o may ginawang masama o di-legal . Maaari kang magsumite ng reklamo sa Registry of Moneylenders sa pamamagitan ng pagtawag sa 1800-2255-529.
- Ikonsidera ang pagsasampa ng reklamo sa korte laban sa money lender lalo kung sila ay gumawa ng hindi patas o nandaya sa iyo. Dapat humingi ka muna ng legal na payo sa abogado o NGO muna kung nais mong gawin ito.
- Kung kinokonsidera mong manghiram ng pera, maaari kang humingi ng payo mula sa isa sa mga organisasyon na nakalista sa resources section.