Failure to Pay Wages o hindi pagbayad ng sahod

What do you need to know?

Ano ang mga kasama sa wage o sahod?

Ang sahod ay hindi lamang ang pera na natatanggap mo sa katapusan ng buwan. Kasama sa sahod ang lahat ng mga benepisyo at karapatan, kabilang ang mga sumusunod:

  1. Annual leave o Taunang leave
  2. Bayad sa overtime
  3. Public holidays
  4. Sick leave
  5. Termination
  6. Ang sahod mismo

Sa seksyon 19 ng Employment Act 1995, ang mga employer ay dapat magbayad ng sahod ng kanilang mga empleyado sa loob ng 7 araw mula sa ng huling araw ng araw ng bayaran ng sahod.

Halimbawa, kung binabayaran ka tuwing ika-30 ng bawat buwan, dapat bayaran ka ng iyong employer ng iyong sahod sa bago lumampas ang ng ika-7 ng susunod na buwan.

Photo by Polina Tankilevitch on Pexel

Kung hindi magbayad ng sahod ang employer sa tamang oras, maaaring magkasala sila ng wage default sa ilalim ng seksyon 19 ng Employment Act 1955. Sa seksyon 18 at 19 ng Employment Act 1955, kung huli ang pagbabayad ng sahod ng employer ng MDW mo ng higit sa 7 araw, maaaring magsumite ng reklamo sa Labor Office. Kapag isinumite ang reklamo, iimbestigahan ng Labor Office ang employer at susuriin ang lahat ng ebidensya. Ang mga ebidensya at dokumento na maaaring tingnan ng Labor Officer ay:

  1. Employment contract
  2. Mga resibo o Receipt of wage payment
  3. Listahan ng mga bayad na ginawa ng employer sa empleyado

Ang imbestigasyon ay maaaring magdagdag ng pressure o makapilit sa employer upang agad na bayaran ang empleyado upang maiwasan ang mga negatibong consequences. Kung mangyayari ito, idedeklara ng Labor Office ang pagtatapos at pagsara ng reklamo.

Gayunpaman, kung itinatanggi ng employer ang reklamo at sinasabing hindi nila kailangang bayaran ang empleyado, magtatakda ang Labor Office ng isang appointment upang pakinggan ang kaso (i.e. pakinggan ang parehong panig ng kwento).

Kailangang dumalo sa pagdinig sa Labor Office ang parehong employer at empleyado. Maaaring sila ang kumatawan para sa kanilang mga sarili o magdala sila ng abogado. Sa katapusan ng pagdinig, magdedesisyon ang Presiding Officer (ang hukom) kung sino ang ‘panalo’ sa kaso at uutusan ang natalo na magbayad sa nanalo.

Maaaring mag-apela ang parehong employer at empleyado sa desisyon ng Presiding Officer sa High Court. Ang deadline para dito ay 14 araw mula sa naunang desisyon.

Sa ilalim ng seksyon 24 ng Employment Act 1955, labag sa batas para sa mga employer na bawasan ang sahod ng isang MDW. May ilang mga pagkakataon lamang na pinapayagan ang employer na bawasan ang sahod:

  • Kung sobra ang naibayad ng employer na sahod, pinapayagan ang employer na bawasan ang sahod ng MDW ng susunod na buwan
  • Kapag ang MDW ay lumabag sa kontrata nang walang abiso at agad na umalis sa trabaho, maaaring bawasan ng employer ang bahagi ng sahod kung hindi siya nag-abiso ng may sapat na oras.
  • Kung humiling ang MDW sa kanyang employer ng advance (maagang pagbayad) ng sahod, maaaring bawasan ng employer ang bahagi ng sahod nang walang interes.

Kung binawasan ng employer ang iyong sahod, maaari mong ikonsidera pagsumite ng reklamo sa Labor Office (ipinaliwanag ito sa itaas na bahagi). Maaaring humingi ng tulong at suporta mula sa abogado o NGO para isumite ang reklamo.

Sa Malaysia, ang MDW employment contract ay mayroong nakatakdang (standard) porma na dapat gamitin para sa lahat ng MDW na nagsasabi ng mga pangunahing tungkulin nito. Gayunpaman, kung nais ng isang MDW na maghain ng pormal na reklamo sa Labor Office tungkol sa kanyang trabaho, kakailanganing isulat ang buong address ng employer (maaaring kailanganin mong ipadala ang mga dokumento sa bahay ng iyong employer)  dahil hindi nakasaad nang kumpleto ang address ng employer sa employment contract.

Ang terminal entitlements ay tumutukoy sa mga bayad na ibinibigay sa dulo ng employment.
Sa ilalim ng seksyon 20 ng Employment Act 1955, dapat bayaran ng employer ang sahod ng isang nagre-resign na empleyado sa kanilang huling araw ng trabaho. Kung hindi nagbayad ang employer ng sahod sa huling araw, maaaring maghain ng kaso ang empleyado laban sa employer sa Industrial Court (tingnan sa ibaba).

Sa ilalim ng seksyon 57(b)(1) ng Employment Act 1955, kung ang iyong kontrata ay itinigil (tinigil  mo, ng iyong employer, o pag-expire ng iyong visa), dapat ipaalam ng iyong employer sa Director General of Labour ang terminasyon ng kontrata. Kung hindi ito nagawa ng employer, maaaring magkasala sila ng krimen at kailanganin nilang magbayad ng multa.

Sa ilalim ng seksyon 20 ng Employment Act 1955, dapat bayaran ng employer ang sahod ng isang nagre-resign na empleyado sa kanilang huling araw ng trabaho. Kung hindi nagbayad ang employer ng sahod sa huling araw, maaaring maghain ng kaso ang empleyado laban sa employer sa Industrial Court (tingnan sa ibaba).

Gayundin, kung ang empleyado ang magtatapos ng kontrata nang walang abiso sa employer, dapat magbayad ang MDW sa employer dahil hindi siya nakapag bigay ng sapat na abiso.

Ang halaga na dapat bayaran bilang kapalit ng notice o abiso ay nakadepende sa haba ng notice period. Kaya kung ang iyong employment contract ay may notice period na isang buwan, ang taong nagpatigil sa kontrata ng walang binibigay na abiso ay dapat magbayad sa naapektuhan ng isang buwan ng sahod.

Kung ang employer ay lumabag sa kontrata ng walang abiso O walang bayad, maaaring maghain ng kaso ang empleyado sa ilalim ng seksyon 69 ng Employment Act 1955 sa Industrial Relations Department.

Sa ilalim ng seksyon 69 ng Employment Act 1955, maaaring maghain ng kaso ang empleyado sa Industrial Relations Department.

Susubukan na matulungan ng department na magkaroon ng kasunduan ang empleyado at employer nang sa gayon ay hindi na kakailanganging pumunta sa korte. Gayunpaman, kung hindi maabot ang kasunduan, ito ay ililipat sa isang mas mataas na opisyal – ang Minister of Human Resources. Kung hindi padin ito magtagumpay, maaaring magpunta ang kaso sa Industrial Court para pagdesisyunan ng judge .

Ang judge ay magsasagawa ng pagdinig sa parehong panig at ang kanilang mga kaso, at pagkatapos ay magpapasiya kung sino ang ‘panalo’. Kung hindi sang ayon ang sinuman sa resulta, maaaring mag-apela sa desisyon.

  • Maaari mong subukang makipagkasundo muna sa iyong employer bago gumawa ng aksyon. Gayunpaman, ikonsulta muna sa isang abogado o NGO upang maintindihan kung ito ang pinakamabuting gawin para sa iyo.
  • Isipin ang paghahain ng isang civil claim laban sa iyong employer. Posible na dumulog sa hukuman at magsampa ng sibil na reklamo para sa compensation (pera). Humingi ng payo mula sa abogado o NGO upang matulungan ka sa ganitong hakbang.
  • Ingatan nang maayos ang ebidensya. Kung mayroon kang resibo ng sahod, siguraduhing itago ito sa ligtas na lugar para kung kinakailangan mo ang mga ebidensya, nasa iyo ang mga ito.
  • Huwag manatili sa isang lugar kung saan ikaw ay nasa panganib o maaari kang masaktan. Kung hindi ligtas manatili sa iyong employer, umalis kaagad at humingi ng tulong.
  • Huwag patagalin at gumawa agad ng hakbangin para maresolba ito dahil maaaring mayroong striktong mga limitasyon sa oras sa paghahain ng kaso.

Resources: