Harassment ng Moneylenders​

What do you need to know?

Ang money lenders ay mga negosyong lisensyado sa ilalim ng batas upang magpautang at mangolekta ng bayad para sa utang. Ang pag-apruba ng utang at ang pagbabayad ng utang ay dapat gawin alinsunod sa batas ng Hong Kong.

Minsan, ang mga nagpapautang ay maaaring mang-harass o manakot sa mga nanghihiram upang mabayaran ang utang. Mahalagang maunawaan kung ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay hina-harass ng isang money lender.

Sa ilalim ng batas ng Hong Kong, ang harassment ay hindi isang krimen. Gayunpaman, ang isang tao na nakakaramdam ng panganib o takot ay maaaring magsampa ng kaso laban sa money lender para sa harassment. Hindi din kinakailangang maging ang mismong target ng harassment (o ang borrower) – maaaring magsampa ng kaso ang pamilya o employer ng borrower.

Sa ilalim ng batas ng Hong Kong, ang money lender ay maaari ding panagutin sa legal para sa mga aksyon ng kanilang mga staff o ahente

Ilan sa mga aksyon na maaaring ituring na harassment ng mga money lender ay:

  1. Pagbisita sa bahay ng employer ng migrant domestic worker (MDW) at pag-anunsyo sa publiko na may utang ang MDW sa kanila;
  2. Pagbisita sa pamilya ng MDW sa kanilang bansang pinagmulan, halimbawa sa Pilipinas, upang ipaalam sa publiko na may utang siya;
  3. Paulit-ulit na pagtawag sa mga kaibigan, employer, o pamilya ng MDW upang sabihin na may utang siya.

Sa isang kaso (Law Lai Kwan v Intrend Finance Ltd), isang MDW ang umutang sa isang money lender. Paulit-ulit na nang-harass ang money lender sa employer ng MDW. Sa kasong ito, sinampahan ng kaso ng employer ang money lender at inutusan ang money lender na magbayad ng pera sa employer dahil sa pang-haharass dito.

Photo by Audy of Course on Pexel

Ang defamation o paninirang-puri ay isang pahayag na nakakasira o sumisira sa reputasyon ng ibang tao. Nangyayari ang defamation kapag may isang tao ang nagsulat o gumagawa ng isang bagay na nakasisira sa reputasyon ng ibang tao. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng word of mouth (i.e. pagsasabi sa ibang tao) o sa pamamagitan ng aksyon (hal: pagsusulat ng artikulo sa pahayagan).
Mayroong dalawang uri ng defamation

Slander: ang paglalathala ng isang bagay na nakasisira sa reputasyon sa pamamagitan ng salita sa pansamantalang anyo (halimbawa, isang kwento sa social media na tumatagal lamang ng 24 oras).
Sa konteksto ng money lending, maaaring mangyari ang paninirang-puri kapag ang nagpapautang ay nag-post sa social media na nag-a-anunsyo na ang isang tao ay may utang upang mapahiya ang nanghiram ng pera.

Libel: ang pagsulat at paglalathala ng mga materyal na nakakasira sa reputasyon o sa iba pang permanenteng anyo; at

Helpful Tips

  • Humingi agad ng tulong kung ikaw ay hinaharrass ng isang money lender o ng kanilang mga ahente/staff
  • Hangga’t maaari, dokumentuhin ang anumang pananakot na iyong nararanasan, kabilang ang mga banta sa pamamagitan ng Whatsapp, mga screenshot ng mga post sa social media. Kung maaari, subukang kumuha ng mga picture, video o recordings ng harassment upang magamit bilang ebidensya kung magpasya kang magsampa ng reklamo sa pulisya o magdemanda laban sa money lender.
  • Huwag mangutang para makakuha ng perang pang bayad ang iba pang utang. Kung nahihirapan kang bayaran ang utang o pinipilit o hiniharas ka, humingi muna ng tulong bago mag-panic at mangutang sa iba..
  • Humingi ng suporta at tulong mula sa pinagkakatiwalaang tao. Maaaring gusto mong makipag-ugnayan sa isang NGO o legal advisor kung ang malala na ang harassment. Subukan din na kausapin ang iyong employer at tingnan kung maaari silang makatulong sa iyo.
  • Ikonsidera ang pagsusumite ng isang civil claim laban sa money lender. Kung malala ang harrassment, maaaring idemanda ang money lender para sa harassment. Ibig sabihin nito, kung ikaw ay mananalo sa kaso, kailangan kang bayaran ng money lender (magbigay sa iyo ng pera) bilang kabayaran sa harassment na ginawa sa iyo. Maaari kang makipag-ugnayan sa isang NGO tulad ng Enrich Hong Kong o legal advisor para makahingi ng tulong.

Ang Enrich Hong Kong ay isang NGO na sumusuporta sa mga MDW na nahaharap sa mga problema sa pera. Kung mayroon kang malubhang problema sa mga nagpapahiram ng pera o pera, maaari mong isaalang-alang ang pakikipag-ugnayan sa Enrich upang makakuha ng payo kung ano ang gagawin.

  1. Huwag gumawa ng mga pangako na hindi mo kayang tuparin. Kung alam mong hindi mo mababayaran nang buo ang utang, o kung hindi ka sigurado sa utang, siguraduhing makakakuha ka ng payo at tulong bago sumang-ayon.
  2. Laging suriin ang rate ng interes ng utang. Ang ilan sa mga pautang ay may napakataas na mga rate ng interes na maaaring maging mahirap na bayaran ang utang. Kumuha ng payo kung hindi ka sigurado kung ano ang gagawin.
  3. Huwag kumuha ng higit pang mga pautang upang mabayaran ang iba pang mga pautang. Kung ikaw ay nahihirapang bayaran ang utang o ikaw ay pinipilit o ginigipit, humingi muna ng tulong bago mag-panic at kumuha ng mas maraming pautang.

Resources: