Ano ang illegal deployment?
Dapat siguraduhin ng mga employer ng migrant domestic workers (‘MDW’) ang pagsunod sa mga kundisyon sa ilalim ng Work Permit (tinatawag ding visa) ng MDW. Sa Singapore, ang Work Permit ay ibinibigay sa MDW at naglalaman ito ng mga limitasyon sa kung anong trabaho ang maaaring gawin ng MDW, tulad ng:
- Ang MDW ay pinapayagang magtrabaho lamang sa tirahan ng kanyang employer.
- Ang MDW ay maaari lamang gumawa ng domestic work.
- Ang MDW ay hindi maaaring magtrabaho para sa ibang mga employer.
Kung ang isang employer o employment agency ay lumabag sa mga patakarang ito (halimbawa, sa pamamagitan ng pagpilit sa isang MDW na magtrabaho sa bahay ng ina ng employer), maaaring mapatawan ng multa o makulong ang employer o agency. Sa ganitong sitwasyon, ang security deposit na SG$5,000 na binayaran ng employer ay makukumpiska dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng security bond. Maaari ring ipagbawal ang employer na kumuha ng MDW sa hinaharap.
Ano ang pwede kong gawin kapag ako ay ilegal na dineploy ng aking employer?
Kung ikaw ay ilegal na inilagay sa trabaho ng iyong employer o agency, maaari magsasampa ng reklamo sa dalawang paraan:
- Contractual Claim o Kontraktwal na Reklamo: Ito ay kapag hindi binayaran ng iyong employer ang iyong sahod sa panahon ng iyong ilegal na deployment. Halimbawa, kung pinapunta ka ng iyong employer sa bahay ng kanilang ina upang magtrabaho, ngunit hindi ka binayaran para sa trabahong ito. Kahit na ilegal ang trabahong ito, maaari mong hilingin sa iyong employer na bayaran ka para dito.
- Unjust Enrichment Claim: Ito ay katulad ng kontraktwal na reklamo. Ang unjust enrichment ay nangangahulugan ng isang sitwasyon kung saan ang employer ay ‘nakikinabang’ mula sa ilegal na trabaho ng isang MDW. Inirerekomenda na kumuha ka ng legal na payo bago magsimula ng unjust enrichment claim.
Is it possible for an employer to have their MDW work in multiple houses?
Oo, posible para sa isang employer na mag-apply sa Ministry of Manpower (‘MoM’) upang humingi ng pahintulot para sa isang MDW na magtrabaho sa mga tahanan ng ibang mga miyembro ng pamilya.
Upang makuha ang pahintulot na ito, ang MDW ay dapat pumayag at magbigay ng pahintulot sa ganitong kaayusan at ang MoM ay dapat ding makakita ng kumpirmasyon na ang MDW ay pumayag dito. Gayunpaman, sa realidad, bihira itong pinapahintulutan.
Kahit na nabigyan ng pahintulot, responsable pa rin ang employer sa kapakanan ng MDW, kasama dito ang maayos na tirahan, pagkain, at medikal na paggamot sa bahay ng family member.
Mga makatutulong na payo
- Tumawag sa pulis (999) kung ikaw ay nasa panganib.
- Huwag ma-pressure o pumayag basta basta na magtrabaho sa bahay ng iba nang walang pahintulot mula sa MoM.
- I-dokumento o itago ang anumang patunay ng ilegal na deployment – ito ay maaaring mga picture, video, o voice recordings na nagpapakita na ang iyong employer o agency ay nagtatangka ng illegal deployment.
- I-report ang ilegal na deployment sa MoM gamit ang MDW helpline. Maaari kang tumawag sa 1800-339-5505 o pumunta sa website ng MOM.
- Ikonsidera ang pagsampa ng civil case sa korte laban sa iyong employer o agency. Kung nais mong gawin ito, inirerekomenda na humingi ka muna ng payo mula sa isang legal advisor o NGO.