Harassment

What do you need to know?

Ang harassment ay kapag ang isang tao ay nagdudulot ng discomfort sa ibang tao sa pamamagitan ng kanilang mga salita o aksyon.
Sa Hong Kong, ang harassment ay hindi itinuturing na krimen at walang tiyak na kahulugan kung ano ang harassment at ano ang hindi. Sa halip, maraming iba’t ibang batas na sumasaklaw sa mga kilos na maaaring maituring na harassment (tulad ng Offences Against the Person Ordinance, Crimes Ordinance, Theft Ordinance, Summary Offences Ordinance, Public Order Ordinance o Personal Data (Privacy) Ordinance).

Mga halimbawa ng harassment:

  1. Paglakad-lakad sa isang lugar o pag-loiter na may intensyong gumawa ng krimen (halimbawa, isang money lender o ang kanilang ahente na naghihintay upang harassin ang isang borrower)
  2. Pagbubunyag ng personal na impormasyon ng ibang tao sa publiko (halimbawa, pag-post ng kanilang HKID o passport details sa social media)

Image by Tumisu from Pixabay

Bukod sa krimen na aspeto ng harassment, ang isang tao ay maaaring makatanggap ng compensation mula sa nang-harass at maaaring magbaba ng utos ang Judge sa nang-harass upang itigil ang karagdagang harassment. Ito ay kilala bilang tort of harassment. Upang mapatunayan ang harassment sa anyong ito, ang harassment ay dapat na paulit-ulit (kilos) na magdudulot ng pagkatakot, emotional distress, o pagkabahala.

If Kung ikaw ay hina-harass, maaari mong ikonsidera ang pagreport nito sa pulisya, sila ay maaaring magsagawa ng imbestigasyon sa nang-harass.

Isa pang maaaring gawin ay ang pagkuha ng injunction mula sa korte. Ang injunction ay court order na agad na nagpapatigil sa mga kilos ng harassment sa kasalukuyan o hinaharap, dahil ang aksyon ay nagdudulot ng pinsala sa isang tao o bagay.

May iba’t ibang uri ng injunctions na maaari mong makuha. Ang mga maaaring kasama sa injunctions mula sa court order ay:

  1. Pagdudulot o pagpapahintulot ng harassment, nuisance, o pananakot sa tao, o sa mga miyembro ng pamilya ng tao;
  2. Pagdudulot o pagpapahintulot ng trespass sa ari-arian ng tao;
  3. Paglapit o pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng pamilya ng tao;
  4. Pagpi-print o paggawa ng mga materyales na may nakakasakit o sensitibong impormasyon tungkol sa tao.

Kung nais mong mag-apply para sa isang injunction, makipag-usap sa isang abogado tungkol sa proseso ng injunction. Kung hindi ka makahanap o makabayad ng abogado, maaari mong ikonsidera ang pakikipag-ugnayan sa isa sa mga organisasyon na nakalista sa ibaba sa ilalim ng ‘resources’ para sa karagdagang tulong.

Kung magbababa ang korte ng isang injunction at nilabag ito ng nag-harass, maaaring mapatunayang nagkasala ang nag-harass ng ‘contempt of court’. Ito ay isang kriminal na pagkakasala na maaaring magresulta sa pagkakakulong o pagbabayad ng multa (o pareho).

  • Agad na humingi ng tulong at tumawag sa pulisya kung ikaw ay nasa panganib.
  • I-dokumento ang bawat pagkakataon ng harassment, kasama ang mga detalye ng petsa, oras, at lokasyon ng insidente. Ito ay magiging mahalagang ebidensya kung magpasya kang magsampa ng kaso laban sa nang-harass.
  • Huwag nang patagalin ang pagtugon sa isyu ng harassment. Kapag mas matagal kang naghintay at hindi kumilos, posible mailagay ka pa sa isang mapanganib na sitwasyon o posisyon.

Resources: