Ano ang pinapayagan gawin sa ilalim ng standard Employment Contract?
Para masigurado ang pagsunod sa batas ang mga migrant domestic workers (MDW), mahalaga na alam ng mga MDW ang mga alituntunin ng kanilang Employment Contract at visa.
- Ano: Ang mga MDW ay maaari lamang magtrabaho ng domestic work na nakalista sa Schedule of Accommodation and Domestic Duties na nakalakip sa kanilang Employment Contract (Clause 4(a)). Karaniwang kasama rito ang paglilinis, pagluluto, at pag-aalaga sa mga bata/matanda.
- Saan: Ang mga MDW ay maaari lamang magtrabaho at manirahan sa tahanan ng kanilang employer sa isang tiyak na address sa iisang lokasyon (Clause 3).
- Sino: Ang mga MDW ay maaari lamang magtrabaho ng full-time para sa isang employer. Ibig sabihin nito, labag sa batas ang magtrabaho ng part-time para sa iba’t ibang employer, kasama na ang iba pang miyembro ng pamilyang employer (Clause 4(b)).
Ano ang illegal deployment by employment agencies?
Maaaring pilitin o puwersahin ng employment agencies sa Hong Kong ang mga MDW upang gumawa ng mga aksyon na labag sa batas. Ang ilegal na deployment mula sa employment agencies ay maaaring:
- Pag-uutos sa MDW na magtrabaho sa opisina ng ahensya o boarding house habang naghihintay ng visa.
- Sinabihan ang MDW na magtrabaho ng ‘part-time’ para sa isang employer nang walang tamang visa.
- Binabantaan o pinipilit ang isang MDW na maglakbay at magtrabaho para sa kanilang employer sa labas ng Hong Kong.
- Pinipilit o niloloko ang isang MDW na magtrabaho sa mga “entertainment places”, halimbawa, sa isang massage parlor.
Ano ang illegal deployment by employers?
Maaaring magkaroon ng mga pagkakataon kung saan iniuutos, pinipilit o pinupwersa ng mga employer ang kanilang MDW na gawin ang mga trabahong hindi kabilang sa kanilang domestic duties. Ito ay pag labag sa batas at sa mga conditions of stay ng MDW. Halimbawa, maaaring:
- Iniutos ng employer sa kanyang MDW na maglakbay at magtrabaho para sa employer sa labas ng Hong Kong. Kung pumayag ang MDW na sumunod sa employer na mag-abroad para sa bakasyon, kailangan nilang pareho sundin ang mga kinakailangang visa requirements, batas at insurance arrangements ng bansang pupuntahan.
- Pinapayagan ang isang MDW na magtrabaho ng part-time para sa ibang tao.
- Kailanganin o payagan ang MDW na magtrabaho para sa kamag-anak ng employer.
- Piliting magtrabaho ang MDW sa ibang address sa loob ng kontrata (halimbawa: tindahan, bodega, bahay ng kamag-anak).

Mga makatutulong na payo
- Tumanggi na gampanan ang mga tungkulin na lumalabag sa mga tuntunin ng Employment Contract at ipaalala sa iyong employer o ahensya na baka sila ay lumalabag sa batas. Kung ipipilit pa din ito ng employer, maaaring lumapit ang MDW sa Immigration Department para humingi ng tulong.
- For example: if your employer wants you to go work in their shop, this would be illegal under your contract.
- Tumawag sa pulisya (999) kung ikaw ay nasa panganib at humingi ng tulong kaagad.
- Kumuha ng suporta o tulong mula sa isang NGO o legal advisor kung napakasama ang iyong kalagayan sa trabaho (tingnan ang resources).