Irregular at Wrongful Dismissal

What do you need to know?

Ang “Work Permit” o visa ng mga Migrant domestic workers’ (MDW) ay karaniwang may bisa lamang ng 2 taon. Maaaring tapusin ng empleyado o ng MDW ang kontrata bago mag-expire ang 2 taong visa.

May tatlong paraan kung paano mapapawalang bisa ang kontrata:

  1. Sa pag-expire sa pagtapos ng 2 taon.
  2. Sa pamamagitan ng pasulat ng abiso. Maaaring putulin ng empleyado o ng MDW ang kontrata sa pamamagitan ng pagbibigay ng sulat na abiso sa isa’t isa.
  3. Walang abiso o summary dismissal. Ito ang kaso kung saan tinatapos ng MDW o ng Employer ang kontrata nang walang abiso sa kabilang partido.
Photo by Romain Dancre on Unsplash

Irregular dismissal ay kapag tinigil ang employment bago ito mag-expire sa 2 taong panahon ng visa. Kung nais ng MDW o ng employer na tapusin ang employment contract bago mag-2 taon, dapat silang magbigay ng written notice sa isa’t isa. Halimbawa, kung nais ng MDW na umuwi sa kanilang bansa at tapusin na ang kontrata ng trabaho sa kanyang employer, kailangan niyang sumulat ng abiso sa kanyang employer upang ipaalam na nais niyang tapusin ang kontrata ng trabaho.
Minsan, maaaring nais ng employer o MDW na tapusin ang kontrata ng trabaho nang walang abiso sa kabilang partido – ibig sabihin nito, ang kontrata ng trabaho ay agad na pinuputol o tinitigil. Ito ay kilala bilang summary dismissal at karaniwan na seryosong usapin ito.

Sa Singapore, walang batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga MDW kung sila ay hindi wastong tinanggal (wrongfully dismissd) mula sa kanilang trabaho. Kung isang MDW ay naniniwala na siya ay hindi wastong tinanggal, maaaring balikan muli nito sa mga probisyon ng kanyang kontrata ng trabaho upang makahanap ng solusyon.

Sa Singapore, hindi legal na kinakailangan ang kontrata sa pagtatrabaho. Gayunpaman, mahigpit na hinihikayat ang  MDW na magkaroon ng kontrata sa pagtatrabaho sa kanilang employer na sumasaklaw sa:

  1. Wage Placement loan
  2. Bilang ng mga araw ng pahinga bawat buwan
  3. Notice period
  4. Work requirements
  5. Paano maaaring maputol o matapos ang kontrata

Mahalaga para sa isang MDW na maunawaan ang mga probisyon ng kanyang employment contract upang matukoy kung mayroong wrongful termination na nangyari. Halimbawa, kung ang kontrata ng trabaho ay nagsasabi na hindi tatanggalin (fire) ng employer ang MDW kung siya ay may maliit na injury na mabilis na gagaling, magiging wrongful termination ito kung tatanggalin ng employer ang MDW sa trabaho dahil dito.

Kung nilabag ang mga probisyon ng inyong kontrata at tinanggal kayo ng inyong employer dahil dito, inirerekomenda na humingi kayo ng tulong mula sa isang legal advisor o NGO kung maaari kayong magfile ng kaso para sa wrongful termination. Tingnan ang resources section sa ibaba para sa tulong.

  • Tumawag sa pulisya (999) kung ikaw ay nasa panganib o ikaw ay inaabuso ng iyong employer.
  • Ingatan ang iyong mga dokumento at itago ang mga ebidensya nang maayos. Kasama ang iyong employment contract, termination letter, listahan ng mga araw ng pahinga, at mga legal na holiday na hindi nakuha.
  • Kung hindi mo nais magsampa ng kaso, maaari mong ikonsidera ang pakikipag-usap at pagkakaroon ng kasunduan sa iyong employer. Gayunpaman, mas mabuti na kumonsulta muna sa isang abogado o NGO upang pag-usapan ang iyong mga option dahil bawat kaso ay iba-iba.
  • Mag-file ng criminal case kung hindi binayaran ng iyong employer ang iyong sahod pagkatapos kang tanggalin. Sa Singapore, isang krimen ang hindi pagbabayad ng sahod ng isang empleyado 7 araw pagkatapos ng due date (halimbawa, kung karaniwang binabayaran ka tuwing Abril 30, dapat ay makatanggap ka ng  sahod para sa buwan ng Abril bago mag Mayo 7). Makipag-usap sa isang legal advisor o NGO para sa tulong sa bagay na ito.
  • Ikonsidera ang paghain ng isang civil na kaso para sa compensation (pera) sa korte ng Singapore. Napakahalagang makipag-usap ka sa isang legal advisor o NGO bago maghain ng kaso sa korte.

Resources: