Ano ang employment o job scam?
Ang employment scam ay isang uri ng fraud kung saan sinusubukan ng fraudster o manloloko na makahanap at mag-target ng mga naghahanap ng trabaho. Karaniwang kasama sa employment scam ang pekeng alok ng trabaho na nakakaakit. Maaaring makakita o alukin ang mga migrant domestic workers (MDW) ng trabaho na tila masyadong maganda upang maging totoo. Karaniwang sasabihin ng isang tipikal na job scam na mababayaran sila nang mataas na sweldo at kailangan lamang gumawa ng simpleng trabaho. Dapat maging maingat ang mga MDW dahil sa ilalim ng kanilang visa (Work Pass), hindi sila pinapayagan na kumuha ng ibang trabaho maliban sa domestic work.

Saan galing ang employment o job scams?
Sa ngayon, ang karamihan ng job scams ay galing sa internet o online. Karaniwang magsisimula ang job scam bilang isang message o advertisement, at susubukang i-target ng scammer ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasabi na madali lang ang trabaho at mataas ang bayad.
Ano ang mga pinakakaraniwang halimbawa ng employment or job scams?
Identity theft scams
Sa scam na ito, sinusubukan kunin o nakawin ang personal na impormasyon ng isang tao (tulad ng kanilang identity card number, credit card number, o passport number). Kapag mayroon nang impormasyong ito ang scammer, maaaring gamitin ito ng scammer sa mapanganib na paraan – halimbawa, pag-aapply ng malalaking utang gamit ang mga detalye ng tao.
Money scams
Sa money scams, karaniwang hinihingi ng job scammer ang impormasyon ng banko ng tao o mga detalye upang hikayatin ang biktima na mag-transfer ng maliit na halaga ng pera. Minsan sasabihin ng scammer na ito ay para sa ‘application fee’, ngunit karaniwan, kukunin lamang ng scammer ang impormasyon na ito at hindi na ibabalik ang pera ng biktima.
Brushing scams
Ang brushing scam ay kung saan natatanggap ng isang tao ang isang package o delivery ng produkto na hindi niya inorder. Natutuklasan ng mga scammer ang pangalan at address ng isang tao at ipinadadala sa kanya ang produkto. Pagkatapos, ginagamit ng scammer ang pangalan ng tao upang maglagay ng 5-star na review ng produkto upang palakihin ang benta.
Mga makatutulong na payo:
- Mga makatutulong na payo:
- Tumawag sa pulisya (999) kung ikaw ay nasa panganib.
- Kung makakita o maalok ka ng trabaho at hindi ka sigurado, kumunsulta muna sa isang mapagkakatiwalaang tao bago magpatuloy.
- Kung napagtanto mong ang trabaho ay isang scam, huwag nang makipag-usap o makipag-ugnayan sa scammer pagkatapos mong malaman na ito ay scam. Mas mabuting itigil ang pakikipag-usap, i-block, o ireport ang phone number.
- Kung ikaw ay naging biktima ng scam, magbigay ng buong ulat sa pulisya.
- Huwag tanggapin ang bagong trabaho o lumipat sa ibang bansa hangga’t hindi ito nai-verify. I-double check ang trabaho at ang kumpanya bago gawin ang desisyon na ito.
- Ikonsidera ang paghain ng civil case. Maaaring makakuha ka ng compensation mula sa scammer sa pamamagitan ng paghahain ng kaso, ngunit mas mainam na kumunsulta ka muna sa legal na tulong mula sa legal advisor o NGO.