Sa Singapore, ang mga migrant domestic workers (‘MDW’) ay protektado sa ilalim ng Employment of Foreign Manpower Act 1990 at ng Employment Agencies Act 1958 habang dumaraan sila sa recruitment process.
Sa ilalim ng Employment of Foreign Manpower Act 1990, ilegal na bawasan ang sahod ng MDW kapalit ng trabaho. Sa parehong batas, kung kakaltasan ang sahod ng MDW, ang kaltas na ito ay ilegal. Ilegal parin into kahit na pag-usapan at magkasundo ang MDW at employer na bawasan ang sahod.
May dalawang sitwasyon kung kailan lamang maaaring maningil ang isang employment agency sa MDW:
- Ang pera na kailangang bayaran ng MDW habang siya ay nasa labas ng Singapore.
- Ang MDW ay nag-aapply na magtrabaho sa Singapore; at

Ano ang limitasyon ng bayad na sinisingil sa isang MDW kapag nag-aapply na magtrabaho sa Singapore?
Ayon sa Employment Agency Rules (Rule 12), ang isang employment agency ay maaaring maningil ng ‘placement fee’ na di lalampas sa isang buwang sahod para sa bawat taon na nagtatrabaho ang MDW, sa loob ng maximum na 2 taon.
Ibig sabihin, kung ang iyong kontrata ay dalawang taon, ang maximum na maaaring singilin sa iyo ng iyong employment agency ay dalawang buwang sahod – isa para sa bawat taon ng iyong kontrata.
Kung ang iyong kontrata ay mas mababa sa dalawang taon (halimbawa, ang iyong kontrata ay isang taon lamang), ang iyong employment agency ay maaaring maningil lamang ng isang buwang sahod bilang placement fee.
Kung ang iyong employment agency ay naningil ng placement fee, ayon sa batas, sila ay dapat magbigay ng isang nakasulat na resibo na nagsasaad kung paano kinalkula at siningil ang bayad.
Ang placement fee ay nauugnay lamang sa mga gastos sa Singapore. Para sa anumang bayad na binayaran ng employment agency habang ikaw ay nasa labas ng Singapore, ibang patakaran ang kailangang sundin.
Ano ang mga bayad na maaaring singilin kapag ikaw ay nasa labas ng Singapore?
Sa ilalim ng batas ng Singapore, walang karagdagang impormasyon tungkol sa kung anong mga bayad ang maaaring singilin sa isang MDW sa labas ng Singapore. Gayunpaman, mahalagang tandaan na kinakailangang patunayan ng mga employment agency na ang mga sinisingil na overseas costs ay talagang kinakailangan para sa trabaho.
Posible bang makatanggap ng refund ang isang MDW mula sa employment agency?
Ayon sa Employment Agencies Rules 2011 (Rule 13(1)), kung itinigil ng employer ang kaniyang kontrata sa MDW sa loob ng 6 na buwan mula sa pagsimula ng trabaho nito, ang agency ay dapat mag bigay ng refund ng hindi bababa sa 50% ng agency fee sa MDW.
Ang employment agency ay dapat magbigay ng refund sa loob ng 14 na araw kapag:
- May written request mula sa employer para sa refund, o
- Pagkansela ng work pass ng MDW, alinman ang mas huli.
Mayroong dalawang pagkakataon lamang kung kailan hindi kailangang mag-refund ang employment agency:
- Kung ang MDW ang nagnanais na putulin o itigil na ang kontrata.
- Kung ang employment contract ay nag-expire na;
Mga makatutulong na payo
- Tumawag sa pulis (999) kung ikaw ay nasa panganib.
- Kung sa tingin mo ay nasisingil ka ng sobra, maaari mong isaalang-alang ang pagsusumite ng kaso ng ‘unjust enrichment’ sa korte. Upang gawin ito, inirerekomenda na humingi ka ng tulong mula sa isang legal advisor o NGO upang masuri nila kung gaano kalakas ang iyong kaso.
- Ikonsidera ang sama-samang pagsampa ng kaso laban sa employment agency. Ang mga bagong kaso sa Singapore ay nagpakita na posible para sa ilang MDW na magsampa ng reklamo laban sa isang employment agency. Maaari mong subukang hanapin ang iba pang MDW na gumamit ng parehong agency at sama-samang maghain ng isang civil case laban sa agency. Muli, mahalaga na humingi muna ng legal na payo mula sa isang abogado o NGO bago maghain ng claim.
- Huwag agad bumigay dahil sa pressure mula employment agency na magbayad ng anumang bayarin kung pinaghihinalaan mo na maaaring sinisingil ka nila ng sobra. Makipag-ugnayan sa alinman sa mga NGO na nakalista sa ibaba para sa tulong o isang legal advisor kung hindi ka sigurado.