Workplace Injury

What do you need to know?

Ang workplace injury ay kapag ang isang empleyado ay nasugatan habang nagtatrabaho para sa kanyang employer.

Sa Singapore, ang mga migrant domestic workers (MDW) ay hindi binibigyan ng partikular na legal na proteksyon sa ilalim ng Work Injury Compensation Act 2019. Gayunpaman, lahat ng mga employer ng MDW ay kinakailangang bumili ng personal accident insurance para sa kanilang mga MDW upang matugunan nito ang mga posibleng injury na makukuha ng isang MDW habang nagtatrabaho.

Maaaring maghain ng kaso ang MDW sa ilalim ng civil law para sa compensation at magsumite ng isang criminal complaint sa pulisya kung ang kanilang employer ay hindi nagbibigay ng ligtas at maayos na kapaligiran sa trabaho batay sa Workplace Safety and Health Act 2006

  • Maghanap ng tulong medikal sa lalong madaling panahon – siguraduhing magkaroon ng kopya ng anumang dokumento na ibibigay sa iyo ng doktor.
  • Ipagbigay-alam agad sa iyong employer ang workplace injury na natamo. Hilingin sa kanila na gamitin ang insurance para pondohan ang mga gastusin sa iyong pang medikal na pangangailangan.
  • Humingi ng tulong mula sa abogado o NGO kung hindi ka sigurado kung ano ang gagawin sa iyong workplace injury.

Resources: